^

Punto Mo

‘Biyahero ngayong Semana Santa’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga bibiyahe nang malayo at uuwi sa mga probinsiya sa Semana Santa muling nagpapaalala ang BITAG.

Bago sumampa sa inyong mga sasakyan, siguraduhing na-inspeksyon at nasa tama itong kondisyon.

Tiyakin na roadworthy at naipasilip sa mga eksperto. Na-tsek ang bawat parte lalong lalo na ang preno

Pinakamahalaga sa lahat, siguraduhin na mayroong tamang pahinga at sapat na tulog ang magmamaneho. Nasa tamang kondisyon at mentalidad. 

Huwag sasampa sa sasakyan ng mainit ang ulo ito ang kalimitang sanhi ng road rage.

Nangyayari ito sa mga drayber na hindi handang magmaneho lalo na kapag malayuan, walang sapat na pahinga o kaya may problemang dinadala.

Idagdag pa rito ang mainit na panahon ng tag-araw. Kaya kadalasan, ang init ng ulo naibubunton sa lansangan.

Kung malayuan ang biyahe, mas makabubuting umalis ng maaga sa bahay. Huwag nang magpatanghali pa o makisabay sa dagsa ng mga sasakyan. 

Mas masayang magbiyahe kasama ang pamilya nang hindi aburido papunta sa inyong destinasyon.

Higit sa lahat, para sa mga nagmamaneho, isipin n’yo na lang na kayo na ang pinakamatinong drayber sa lansangan at ang mga kasabay ninyo ay sandamakmak na “engot” kung magmaneho.

Mag-ingat, mag-ingat. 

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

SEMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with