^

Punto Mo

Reklamo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG babae ay nakaranas ng hindi magandang pagtrato mula sa isang empleyado ng ahensiya ng gobyerno. Naisip niyang magpadala ng liham sa editor ng diyaryo upang doon ilabas ang kanyang reklamo. Habang ginagawa  niya ang liham ay nanggagalaiti talaga siya. Hindi niya pinatulan nang harapan ang empleyado dahil ayaw niyang gumawa ng eksena sa opisina na puno ng mga tao. Nangibabaw pa rin sa kanya ang pagiging edukada.

Kamag-anak ng babae ang editor kaya agad napasakamay ng editor ang kanyang liham. Nakiusap ang babae na ilathala agad ito. Pagkatapos mabasa ng editor ang liham, tinawagan nito ang letter sender.

“Advertiser namin ang iyong inirereklamo at nagkataong may lalabas silang ads bukas. Kung susundin ko ang iyong pakiusap na ilathala kaagad ito bukas, magkakatabi sa isang pahina ang iyong reklamo at ang kanilang ads. I’m sorry, hindi kita puwedeng pagbigyan. Kung gusto mo sa ibang araw na lang natin ilathala.”

Agad naunawaan ng babae ang kalagayan ng editor. Kaya ang sagot niya ay “No, thank you, hindi ko na lang ipapalathala. Palalampasin ko na lang iyon. Kung sa aking ikalawang pagbalik sa opisina ay makakaranas ulit ako ng hindi tamang pagtrato, then, mismong sa supervisor na ng taong iyon ako didiretso. Ayokong mapahamak ka dahil lang sa aking reklamo.”

“Be selective in your battles. Sometimes, peace is better than being right.”

REKLAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with