Prankisa ng PCSO sa STL, nakopo ng PMA Class ’82?
DISMAYADO ang junior officers niya sa Philippine National Police (PNP) kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Jose Jorge Corpuz. Si Corpuz ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’82 at humawak ng kung anu-anong posisyon sa PNP bago magretiro. Naging hepe siya ng iba’t ibang unit ng CIDG, naging director ng Northern Police District (NPD) na may parating din sa jueteng. Sa ngayon, ninais ni Corpuz na magsagawa ang PNP nang malawakang kampanya laban sa bookies ng Small Town Lottery o jueteng para lumakas ang kita ng STL at lumaki ang pitsa na maiakyat nito sa kaban ng gobyerno. Sa ginanap na meting kasama ang mga PNP officials nagsalita si Corpuz na “kung merong jueteng tiyak may corruption” kaya kailangang puksain ito ng PNP. Parang nainsulto sa tinuran ni Corpuz ang mga junior officers niya sa PNP dahil mukhang hindi siya marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan. Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!
Iginiit ng junior officers ng PNP na nakausap ko, na noong aktibo pa sa serbisyo si Corpuz, nagkamal din ito ng limpak na salapi sa jueteng. Hindi naman daw ito anghel na tumanggi sa grasya dulot ng jueteng. At noong nakaupo pa si Corpuz at mga mistah niya sa Class ’82, hindi sila, bilang junior officers, pinayagan na kumuha sa jueteng. At ngayong nakaupo na sila sa iba’t ibang puwesto ng PNP, aba hindi pa rin sila makakuha sa jueteng dahil corruption na ito ayon kay Corpuz. Boom Panes! Dahil puno na ang bulsa ni Corpuz sa kita sa jueteng kaya corruption na ito, ‘yan ang reklamo ng junior officers niya sa PNP. Hak hak hak! Dapat siguro ipa-lifestyle check si Corpuz para mabawi ni Digong ang kita niya sa jueteng, di ba mga kosa?
Sa totoo lang, para lumaki ang ganansiya ng PCSO sa STL, mula sa 18 gaming firms na nag-ooperate sa 14 probinsiya sa bansa ginawa itong 56 kompanya o authorized agent corporations ng PCSO para makakalap ng P30 bilyon at matustusan ang pet projects ni Digong, ayon naman kay PCSO Gen. Man. Alexander Balutan. Pero ang reklamo ng junior officers ng PNP, karamihan sa binigyan ng prankisa ni Corpuz ay kanyang mga mistah sa PMA na nasa PNP o AFP. Totoo kaya ito? Dapat rebisahin ni Digong ang binigyan ng prankisa ng PCSO para malaman niya ang katotohanan na may favoritism si Corpuz sa kanyang mga kaklase sa PMA, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Sa simula pa lang, palpak na si Corpuz! Anong sey mo Gen. Allen Bantolo Sir?
Ang mangunguna sa pangharabas sa mga bookies ng STL o jueteng ay si Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario, ang Deputy Chief for Operations (DCO) ng PNP na umaamin na mahirap ang gagawin nilang trabaho dahil ang may 160,000 pulis sa bansa ay namantikaan na ang nguso sa illegal gambling. Siyempre ang operating unit nito ay ang CIDG na pinamumunuan ni Dir. Roel Obusan na may koleksiyon din sa jueteng. Di ba alyas Baby M. Sir? Si Apolinario ang manok ni Digong na papalit kay?PNP Chief Dir. Gen. Bato dela Rosa kaya kailangan niyang pag-igihan ang Oplan Tokhang sa illegal gambling. Ang siste pa nito mga kosa, hinikayat ni Obusan si Corpuz na samahan sila sa pang-raid ng mga illegal gambling at sila na sa PCSO ang maghain ng kaso. Tumanggi si Corpuz at maliwanag na ayaw nilang malagay sa alanganin kapag nag-file ng kaso laban sa kanila ang mga gambling lords. Sigurista si Corpuz ano mga kosa?
Ang masaya pa, inamin ni Balutan na ang hakbangin ng PCSO na dagdagan ang authorized agent nila ay hindi nangangahulugan na mapapahinto na nila ang jueteng. Ano ba ‘yan? Kung hindi pala ito ang permanenteng solusyon sa jueteng, bakit ipipilit pa? Hay nakuuuu! Parang inaamin ni Balutan na kahit maghihigpit pa ang PCSO at PNP ay hindi nila kayang pigilin ang gambling lords na ipagpatuloy ang bookies nila ng STL? Why fix something when its not broke? ‘Yan ang tanong ng mga kosa ko. Binigyan lang kaya ni Corpuz ang mga mistah niya ng pagkataon na na kumita sa STL o jueteng? Ahhh! Maraming katanungan na si Corpuz lang ang may kasagutan, di ba mga kosa? Abangan!
- Latest