^

Punto Mo

‘Wala nang bigayan, dayaan na lang’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA ang BITAG Live sa mga programa sa media na ma­tagal nang nananawagan sa Bureau of Customs, ipatupad ang inward foreign manifest.

 Sistema kung saan sa point of origin palang naititimbre na agad sa point of destination o pagdadaungang bansa kung ano ang mga paparating na kargamento.

Tukoy na kung sino ang mga specific importer. Magkano ang dapat ipataw na buwis ng BIR at kailan ang eksaktong dating sa mga aduana.

Lahat transparent. Nakikita ng mga inter-agency ang bawat transaksyon at nalalaman na rin agad kung magkano ang kabuuang makokolektang buwis.

Maliban dito, may access din sa website ang mga economic manager. Nasisilip nila ang operasyon ng Customs.

Sa maikling sabi, matutuldukan na ang smuggling. Wala ng puwang ang mga buwaya sa BOC at ang mga katsokaran nilang importer na mandaya sa pamamagitan ng hindi pagdedeklara ng tama.

Problema, ang mga magnanakaw na empleyado at kawani dyan sa Customs ayaw ng computerization. Talagang nagpupumilit silang bumalik sa manu-manong operasyon dahil doon sila kumikita. Oo, wala na ngang bigayan, dayaan na lang.

Kapag dumating ang mga kargamento isusulat nila kung magkano ang mga babayarang buwis. Pero paglipas ng isa, dalawang araw tinatanggal din nila agad. Lumalabas, na-cancel ang transaksyon.  

 Mayroong inilalatag na reporma ngayon si House Speaker Pantaleon Alvarez para mapataas ang koleksyon ng buwis. Salita pa lang ito. Resulta ang inaabangan at gustong makita ng tao.    

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

BIGAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with