^

Punto Mo

Haba ng buhay hanggang 115 taon lang

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

GAANO kahaba ang maaaring itagal ng buhay ng tao sa lupa?

Kung pagbabatayan ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa ng ilang mga scientist sa United States na iniulat sa journal na nature, maaaring  pinakamatagal na ilalagi ng tao sa mundo ay hanggang sa edad na 115 taong gulang. Iyon ay kung aabot pa siya sa ganitong edad. Pinagbatayan ng kanilang konklusyon ang pag-aanalisa sa maraming nagdaang dekadang datos hinggil sa mga taong nabuhay nang napakatagal partikular ang tinatawag na mga centenarian o super centenarian.

Sinasabing dahil sa pagsulong ng medisina at pagtuklas sa mga lunas sa maraming sakit ang ilan sa dahilan kung bakit may mga taong umaabot sa 100 taong gulang ang edad. Mula noong 19th century, humahaba ang buhay ng tao dahil sa mga bakuna, mas ligtas na panganganak at paghahanap ng mga lunas sa nakakamatay na mga sakit tulad ng kanser at sakit sa puso.

Kokonti anila ang mga taong nabubuhay nang napakatagal o umaabot sa mahiugit 100 taong gulang at kailangang suyurin ang 10,000 planetang Daigdig para makakita ng isang taong nasa edad na 125 taong gulang.

Ayon sa ulat, ang mga scientist sa New York ay nagsuri sa mga datos ng Human Mortality Database at sa mga pagkamatay ng mga super centenarian (yaong mahigit sa 110 anyos ang edad) sa France, Japan, United Kingdom at US.

Pinuna rin ng mga researcher na tanging si Jeanne Calmet ng France ang muntik nang makalapit sa edad na 125 anyos pero namatay siya sa edad na 122 taong gulang noong 1997. Isinilang si Calment noong ginawa ang Eiffel Tower at nakatagpo pa niya ang pintor na si Vincent van Gogh. Wala pa umanong nakakapantay sa nangyaring ito kay Calmet.

Ang mga centenariang sinaklaw ng pag-aaral ay apektado ng malnutrition at infectious diseases noong bata pa sila noong huling bahagi ng 19th Century.  Ganap lang nasugpo ang smallpox noong 1980.

Pero ang nasabing pag-aaral ay kinutya ng direktor ng Max Planck Institute for Demographic Research na si Prof. James Vaupel na nagsabing sa nagdaang panahon ay tinataya ng mga scientist na limitado lang sa mga edad na 65, 85 at 105 taong gulang ang kinahahaba ng buhay ng tao pero ilang beses na napatunayang mali sila.  Wala anya itong naidagdag na siyentipikong kaalaman kung paano tayo mabubuhay nang matagal.

RAMON M. BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with