Korte sa Italya, pinayagan ang isang ama na pizza ang ipangsustento sa anak
ISANG korte sa Italya ang nagpasya na sa halip na pera ay maaring pizza ang ipangsustento ng isang diborsyadong ama sa kanyang anak.
Nakipag-hiwalay ang chef na si Nicola Toso sa kanyang asawang si Nicoletta Zuin noong 2002. Pumayag si Toso na susustentuhan niya ang kanilang anak ng $335 kada buwan.
Ngunit nalugi ang negosyong restaurant ni Toso noong 2006 kaya inalok niya ang asawa na pizza na lang ang kanyang ipangsusustento sa kanilang anak sa halip na pera. Mula 2008 at 2010 ay puro pizza at iba pang mga pagkain sa kanyang restaurant ang ibinigay ni Toso sa kanyang anak.
Kaya naman inihabla si Toso ng kanyang asawa noong 2010 dahil sa hindi nito pagbabayad ng napagkasunduang halaga sa kanilang anak.
Sa huli ay pumanig ang korte kay Toso dahil sa katuwiran ng kanyang abogado na wala na siyang perang pantustos sa kanyang mga obligasyon mula nang malugi ang kanyang negosyo. Dahil dito, nagpasya ang korte na walang mali sa pagsusutento ni Toso ng pizza sa kanyang anak kapalit ng pera.
Pagkatapos ng kaso, napunta na rin sa pangangalaga ni Toso ang kanyang anak.
- Latest