^

Punto Mo

Lahat nang grupo sa Mindanao, isama sa peace talks

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tanging kinakausap ng gobyerno para sa usapang pangkapayapaan.

Hindi makakamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao kung ang MILF lamang ang kakausapin ng gobyerno.

Kung magkakaroon kasi ng kasunduan ang gobyerno sa iisang grupo tulad sa MILF ay asahan natin na manghahasik din ng kaguluhan    at magpaparamdam sa gobyerno   ang iba pangg armadong grupo.

Ngayon wala nang pag-asa na mapagtibay pa ng Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ay hindi dito natatapos ang peace talks sa mga rebeldeng grupo sa Mindanao.

Hintayin na lang sa susunod na administrasyon ang muling pagsusulong ng peace talks subalit tiyakin na hindi lamang ang MILF ang dapat kausapin kundi lahat nang rebeldeng grupo sa Mindanao kasama na rin ang BIFF at MNLF na dating may peace agreement na sa gobyerno.

Kung lahat kasi ng armadong grupo sa Mindanao ay makakalahok sa peace talks, malaki ang posibilidad na makamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.

Sa ganitong pamamaraan, maiiwasan ang selosan at hinanakit ng isang grupo kapag nabuo na ang isang pinal na peace agreement.

Marahil ay hindi na kailangan pa ang BBL bagkus ay palakasin na lang ang batas sa paglikha ng ARMM at isaayos ang mga kapalpakan dito upang maitama at maging epektibo ang gobyernong ito sa pangangasiwa sa mga probinsiyang sakop ng ARMM.

Dapat ding tiyakin na ang ilalaang pondo ay hindi malalagay sa maling paggastos dahil mula ito sa buwis ng taumbayan na dapat pag-ingatan.

Maayos na sana ang ARMM dahil walang nakita ritong paglabag sa Konstitusyon at ang maaring pagkukulang dito ay ang kawalan ng gabay ng gobyerno sa mga namunong MNLF na wala pang karanasan sa pamamalakad sa gobyerno kaya nabigo.

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

DAPAT

GOBYERNO

GRUPO

HINDI

HINTAYIN

KONGRESO

KONSTITUSYON

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with