^

Punto Mo

Boy sisi!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Magbubukas na ang tupada at color games at drop balls sa mga peryahan sa Bgys. Washington at Carmona sa Makati City bunga sa binigyan na ito ng basbas ni Sr. Insp. Ferdie Satorre, ang hepe ng intelligence ng local police. Sa pagbubukas ng mga pasugalan, puno na naman ang bulsa ni Satorre at may pantustos na naman s’ya sa bisyo n’ya na sabong. Kung sabagay, inirereklamo na itong si Satorre at ang kolektor n’ya na si SPO3 Randy Acle bunga sa linggo-linggo na hirit nila sa mga financiers ng pasugalan sa Makati. Siyempre, kasama sa collection ni Acle ang godfather ni Satorre na si Boy Reyes, di ba mga kosa? Dapat magsuot ng helmet itong hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Ernesto Barlam sa pangambang nabubukulan s’ya. Hehehe! Ano pa nga ba? Ipinagyayabang ni Satorre na hindi s’ya takot kay NCRPO chief Dir. Joel Pagdilao dahil mahihilot ng mga kaklase n’ya ang lahat ng reklamo laban sa kanya sa Bicutan at SPD. Punyeta! Naka-right connect pala itong si Satorre.

* * *

Kapwa mahilig manisi itong sina dating SAF director Getulio Napeñas at Lt. Col. Ferdinand Marcelino. Kung sinu-sino na ang itinuturo nina Napeñas at Marcelino na nasa likod ng semplang sa mga trabaho nila at ang hindi na lang nila sinisisi ay ang mga sarili nila. Itong si Napeñas kasi ang hepe ng 44 SAF commandos na nalagas sa engkuwentro sa Mamasapano sa Maguindanao noong Enero 25, 2015 at pilit n’yang inilalayo ang sarili sa masalimuot na sitwasyon. Subalit sa nakaraang Senate hearing, pinagtulong-tulungan ng mga opisyales ng AFP itong si Napeñas at s’ya naman ang sinisi sa paglagas ng 44 na tauhan n’ya. Samantala, ito namang si Marcelino at ang isang Intsik ay nahuli sa isang condo unit sa Sta. Cruz, Manila na naglalaman ng 64 kilos ng shabu. At ang sinisisi ni Marcelino na nasa likod ng pagkahuli n’ya ay itong si PDEA director Art Cacdac na umano’y nag-frame up sa kanya. Kaya’t sa ngayon, ang bansag ng mga kosa ko dito kina Napeñas at Marcelino ay mga ‘‘Boy sisi!’’ Punyeta! The truth shall prevail, di ba mga kosa? Hehehe! Palagi kung nakikita ang slogan na ito ah?

Kung sabagay, maliban sa nadismis sKya, wala pang ikinaso dito laban kay Napeñas sa nangyari sa Mamasapano. Sa totoo lang, medyo lumamig na ang kaso subalit uminit nang muli bunga sa isang dud Senate hearing na ipinatawag ni Sen, Juan Ponce Enrile. Sa parte ni Marcelino naman, s’ya ay inulan ng kaso na isinampa ng opisina ni Sr. Supt. Antonio Gardiola Jr., ang hepe ng AIDG sa Camp Crame. Sa ngayon, ang kampo ni Marcelino ay nagpuputak at itinuturo si Cacdac ang nasa likod ng pagkaaresto sa kanya at kung anu-anong isyu ang inilabas para makuha nila ang simpatiya ng publiko. Kaya lang ang lahat nilang ginagamit na isyu ay hindi papatulan ng korte dahil hearsay evidence ang mga ito. Get’s n’yo nga kosa? Punyeta! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Si katotong Jonathan Mayuga naman ay nagsisigaw ng suporta kay Marcelino na kilala n’ya bilang no-nonsense officer ng AFP. Ayaw maniwala ni Mayuga na nakain ng sistema si Marcelino bunga sa kilala n’ya itong drug buster kahit puro acquitted ang kasong hawak n’ya tulad ng Alabang Boys at Manuel Lim. May nanghuhuli at may nagpapakawala, ani Mayuga. Sinabi naman ni Boss Alex Allan na natapos na ang pagiging law enforcer ni Marcelino nang umalis siya sa PDEA at tama naman s’ya. Ang tanong, “Bakit pinipilit ni Marcelino na magtrabaho sa illegal drugs at sa anong ahensiya ng gobyerno?” Itinanggi kasi si Marcelino ng PDEA, AIDG, ISAFP at PAOCC. Baka sariling sikap lang itong si Marcelino? Punyeta! Magkaroon din ng kasagutan ang mga tanong na ito dahil ang P2.5 milyon na bank transaction ni Marcelino ay iniimbestigahan na ng Anti-Money Laundering Council at sinisilip din ng crime lab ng PNP ang dalawang cellphone na nakumpiska sa kanya.

Si Napeñas ay tumakbong Senador at sa darating na Mayo ay huhusgahan sSya ng mga botante samantalang si Marcelino ay kailangang kumbinsihin ng tatlong mamahaling abogado nyya ang korte na wala siyang kinalaman sa trafficking ng illegal drugs. Dati-rati itong si Marcelino ang nagpapakulong ng mga drug traffickers subalit sa ngayon syya naman ang nasa kulungan. Ang buhay nga ba naman. Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ALABANG BOYS

ANG

ATILDE

ITONG

MARCELINO

MGA

NAMAN

PUNYETA

SATORRE

SR. SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with