Dalawang klase ng pagkatao
Senyales ng may malakas na mentalidad
• Ang taong may tiwala sa kanyang sarili ay mapagkumbaba, tinatrato niya nang may respeto ang bawat isa nang walang diskriminasyon.
• Hindi nagpapasikat ng kanyang mamahaling gamit at achievements sa social media.
• Ang taong palangiti kahit sa mga taong hindi niya kakilala ay may malawak na pang-unawa at hindi binibigyang importansiya ang sasabihin ng ibang tao laban sa kanya.
• Ang taong marunong umako ng kasalanan para sa isang organisasyong may nagawang pagkakamali ay nagpapakita ng kanyang pagiging responsableng lider.
• Achiever ang mga taong hindi nagagalit sa kritisismo ng ibang tao at sa halip ay nakikita niya itong positibong opinyon upang siya ay lalong magsikap na maging magaling.
II. Senyales ng mahinang mentalidad
• Laging nagpapansin.
• Naghahanap ng approval sa lahat ng bagay na ginagawa niya sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media. Sumasama ang loob kapag kaunti ang nag-like sa bawat ipino-post niya.
• Inggitera sa success ng iba.
• Mahirap magpatawad.
• Laging nagpapaliwanag sa mga ginagawa niya kahit wala namang humihingi nito.
• Mahilig sa branded na gamit at ipino-post niya iyon sa social media kasama ang walang kamatayang: “Thank you Lord for all the blessings”.
- Latest