10 Mumunting Paalaala
…na magdudulot nang malaki sa iyong buhay:
1. Manalo nang hindi nagyayabang. Matalo nang hindi nagdadahilan.
2. Umiwas sa mga taong “nega” dahil ‘yan ang malakas makahawa kahit hindi naman ito sakit.
3. Kapag nagpapagupit ka, hayaan mong ang iyong hair stylist ang magsalita, mas marami kang matututuhan sa kanya, kaysa ikaw ang magsasalita nang magsasalita.
4. Kapag ang bata ay nadapa at nasaktan, iwasan ang lumang taktika sa pagsasabing: Okey lang ‘yan!Don’t cry. Duwag lang ang umiiyak.
Paano magiging okey kung nasaktan ang bata? Sa puntong ito, tinuturuan mo siya na maging ipokrita at takasan ang totoo niyang nararamdaman. Okey na damhin ang sakit at iluha ito. Sa ganitong paraan, mas magiging matatag ang kanyang pagkatao.
5. Sa mga lalaki, kapag inihatid mo ang isang babae sa kanilang bahay, hintayin mo munang makapasok siya sa bahay at salubungin ng kanyang magulang, bago ka umalis.
6. Iwasang magmura sa tauhan kahit ikaw pa ang pinuno ng iyong kaharian. Ang taong minura ay nakakaranas ng stress at anxiety. Ito ang dalawang sangkap para tumaas ang blood pressure.
7. Iwasang magbigay ng sarcastic remarks.
8. Laging gandahan ang balot ng regalong ibibigay mo.
9. Huwag malungkot kung may malaking problema. Minsan nagbabalatkayo lang ito na malaki palang oportunidad.
10. Kahit hindi ka nasarapan sa iyong inorder na pagkain, pero maganda ang serbisyo ng waiter, magbigay ka pa rin ng tip. Hindi naman siya ang nagluto ng iyong kinain.
- Latest