^

Punto Mo

Vegetarian sa kalawakan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa magiging senaryo kapag tuluyang nakapaglakbay at nakarating ang tao sa  Mars o ibang planeta ay magiging vegetarian sila. Wala kasi silang ibang puwedeng kainin kundi mga gulay.  Wala naman kasing hayop na puwedeng isama at dalhin doon mula dito sa daigdig. Itong sitwasyon ng magiging pagkain ng mga astronaut at ng iba pang tao na maglalakbay nang mahaba sa kalawakan at maninirahan sa ibang planeta ang pinag-aaralan hanggang sa kasalukuyan ng mga scientist sa mundo. Sana nga, matuklasang puwede ring magtanim ng halaman sa kalupaan ng Mars para magiging pagkain ng mga taong maninirahan doon.

Nakakagilalas nga ang isang video na ipinakita nitong nagdaang linggo ng National Aeronatics and Space Administration. Ipinamalas dito kung paanong naitanim at namunga ang isang makulay na bulaklak na tinatawag na Zinnia sa loob ng International Space Station. Isa itong eksperimento kung paanong makakapagpalago ng mga halaman sa kalawakan. At ang Zinnia ang kauna-unahang bulaklak na pinalaki sa space.

Isa kasing problema sa pagtatanim ng mga halaman ang kawalan ng gravity sa labas ng daigdig. Karaniwan kasing pababa ang pagtubo at paglaki ng mga ugat ng halaman na dahilan para madali silang makasipsip ng tubig at ibang pagkain. Pero, sa kalawakan,  kumakalat sa iba’t ibang direksiyon ang mga ugat at lumulutang ang tubig at ibang pagkain para sa halaman.

Noong Agosto 2015, kinain ng mga astronaut sa ISS ang unang gulay na kanilang tinamin at pinalaki sa loob ng space laboratory na nakalutang sa orbit ng daigdig.

Ayon sa ulat, may dalawang taon na ang nakakaraan nang likhain ng mga astonaut ng NASA ang tinatawag na Veggie. Ang Veggie ay isang malaking container na nagsisilbing gabay sa mga halaman sa pamamagitan ng paggamit ng “plant pillows.” Ang mga unan na ito ay mga bag na naglalaman ng mga dumi, fertilizer at nutrients na nagtataglay ng mga wicking materials na nakakasipsip ng tubig. Nagdikit ng mga binhi ng halaman ang mga astronaut sa wicking material para tumubo at lumaki ang mga butong ito patungo sa ilalim ng bag at ang mga tangkay ay uusbong palabas. Merong led light sa taas nito na nagbibigay ng enerhiya sa halaman para ito lumaki at expandable plastic wall na proteksyon sa mga dahon habang lumalaki ito.

Sa kasalukuyan, letsugas o red romaine lettuce pa lang ang gulay na nagagawang itanim at anihin ng mga astronaut sa ISS pero sa hinaharap ay isusunod nilang itanim ang mga repolyo at kamatis.

ANG

ANG VEGGIE

AYON

HALAMAN

INTERNATIONAL SPACE STATION

ISA

MGA

NATIONAL AERONATICS AND SPACE ADMINISTRATION

NBSP

NOONG AGOSTO

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with