Kaso ni Poe at Duterte, lilikha ng gulo
SA Martes ay itinakda na ang oral argument sa Supreme Court kaugnay ng kasong diskuwalipikasyon laban kay Sen. Grace Poe.
Ito ay kaugnay ng pagkansela ng Comelec sa certificate of candidacy (CoC) ni Poe dahil sa isyu ng residency at pagkuwestiyon sa pagiging natural born citizen.
Sa ngayon ay may inilabas na temporary restraining order (TRO) ang SC na ang katumbas nito ay hindi maaring ipatupad ng Comelec ang kanselasyon sa CoC ni Poe.
Dahll dito, kampante ngayon ang kampo ni Poe na mapapasama ang kanyang pangalan sa balota kahit wala pang desisyon ang SC.
May nakabinbin pang disqualification case laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Comelec at maaring umakyat pa ito sa SC.
Maraming nagsasabi na dapat ay isama na lang ang pangalan nina Poe at Duterte sa balota na ipapaimprenta ng Comelec kahit wala pang pinal na desisyon ng SC.
Pero isang nagbabadyang kaguluhan ito kung isasama ang pangalan nina Poe at Duterte sa balota pero sa panahon ng eleksiyon at manalo isa man dito ay diskuwalipikado pala ang desisyon ng SC.
At kung hindi naman isasama ang pangalan nina Poe at Duterte sa balota at magdesisyon ang SC na sila ay kuwalipikado at maaring kumandidato ay malaking problema ito ng Comelec.
Dahil dito, makabubuting sa lalong madaling panahon ay agad maglabas ng pinal na desisyon ang SC at gawin nila ang lahat nang pamamaraan upang mag-overtime sa pagbusisi para sa rin sa interes ng publiko.
Mag-iimbita kasi ng kaguluhan ang kaso nina Poe at Duterte kung hindi agad maglalabas ng pinal na desisyon ang SC.
- Latest