^

Punto Mo

Gun ban at checkpoint

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila sa pagpapatupad ng gun ban kaugnay sa nalalapit na halalan at sa kabila ng mga itinatag na checkpoint ng kapulisan marami pa rin ang malalakas ang loob sa pagsuway.

Katunayan pumalo na sa 80 katao ang nadakip sa gun ban at nasa 60 baril na ang nasasamsam sa mga inilatag ng checkpoint.

Gayunman,  hindi maikakaila na sa mga nangyayaring   krimen nitong nakalipas na linggo kung saan pinasimulan ang gun ban, karamihan ay mga baril ang gamit.

Noon lamang nakaraang Miyerkules ng gabi sa Malabon, isang lalaki ang pinagbabaril ng hindi nakikilalang suspect. Ang masakit pa rito karga ng lalaki ang isang buwan niyang sanggol na tinamaan din sa pamamaril at nasawi habang isa pa ang tinamaan ng ligaw na bala.

Eto pa, kahapon ng hapon lamang dalawang babae na namimili sa Quiapo ang pinagbabaril din. Isa ang dead on spot habang ang kasama ay isinugod pa sa pagamutan.

Nangyari ito sa gitna ng maraming tao.

Maging ang pag-atake na naman ng mga riding in tandem na suspect eh,  patuloy na nagaganap.

Hindi lang yan nangyayari sa Metro Manila.

Sa ilang lalawigan naman ramdam na ang mga krimeng sinasabing may kinalaman sa pulitika.

Kamakalawa lamang isang councilor bet ng LP sa Maguindanao ang iniulat na itinumba ng hindi pa nakikilalang suspect.

Sa Surigao del Norte noon ding Lunes isa pang councilor bet ang pinagbabaril at napatay  ng riding in tandem.

Baka kailangan pa ang mas matindi pang pagbabantay lalu na ang mga loose firearms  sa kapuluan na madalas pa ring gamit sa krimen.

Malaking hamon ito sa kapulisan na mabantayan ang peace and order sa bansa lalu na nga sa nalalapit na halalan.

 

 

 

ANG

ETO

GAYUNMAN

ISA

KAMAKALAWA

KATUNAYAN

MAGUINDANAO

METRO MANILA

MGA

NBSP

SA SURIGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with