^

Punto Mo

Okey pa ang lasa: 125-anyos na beer na natagpuan sa ilalim ng dagat, tinikman sa Canada

- Arnel Medina - Pang-masa

NATAGPUAN ng isang lalaki sa Canada ang isang boteng naglalaman ng beer sa ilalim ng dagat sa Halifax Harbour, Nova Scotia. Tinatayang nasa 125 taong gulang na ang bote na sinasabing gawa ng Alexander Keith’s Brewery ng Canada.

Ang amateur treasure hunter na si Jon Crouse ang nakadiskub­re sa bote. Libangan na niya ang paghahanap ng mga sinaunang bote ng beer at alak sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng scuba diving. Ayon sa kanya, marami na siyang natagpuang mga lumang bote ng alak at beer sa ilalim ng karagatan ngunit nitong nakaraang Nobyembre lamang siya nakatagpo ng isang bote na selyado pa rin ng mahigpit at naglalaman pa rin ng beer.

Dahil sa kagustuhang malaman kung beer pa nga ba o tubig-alat na lang ang nasa bote ay humingi ng tulong si Jon sa bar owner na si Chris Reynolds na siyang nagpakilala sa kanya sa siyentistang si Professor Andrew Macintosh. Dalubhasa si Macintosh sa proseso ng fermentation na mahalaga sa paggawa ng beer.

Matapos ang pagsusuri sa likidong nasa loob ng bote ay napag-alamang hindi pa rin napapasok ng tubig-alat ang bote dahil beer pa rin ang laman nito.

Nang makumpirmang beer nga ang nasa loob ng bote ay tinikman naman ito nina Reynolds at Macintosh. Nasarapan si Reynolds sa beer samantalang hindi naman bilib si Macintosh sa lasa nito. Gumagawa pa rin ng beer ngayon ang Alexander Keith’s at ayon kay Macintosh, bahagyang katulad pa rin ng lasa ng nadiskubreng beer ang mga beer na kasalukuyang ipinagbebenta ng kompanya.

Tumanggi naman ang mismong nakadiskubre sa bote na si Jon Crouse na lasahan ang beer na laman nito dahil naalala pa rin daw niya kung saan niya natagpuan ang bote – sa isang maputik na bahagi ng Halifax Harbour.

ALEXANDER KEITH

ANG

BEER

BOTE

CHRIS REYNOLDS

HALIFAX HARBOUR

JON CROUSE

NOVA SCOTIA

PROFESSOR ANDREW MACINTOSH

REYNOLDS

RIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with