^

Punto Mo

Masiglang ekonomiya sa 2016

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

INAASAHAN nating lahat na magiging masigla at maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagpasok ng 2016.

Ito ay pansamantala lamang at bagama’t hindi ako sertipikadong ekonomista pero bilang mamamahayag ay alam naman ng lahat na kapag election year ay maraming kandidato ang gumagastos sa pangangam-panya.

Sa panahon ng kampanya sa eleksiyon ay malaking halaga ng pera ang lalabas at gagastusin na pakikinabangan din nang marami.

Magbubunga ito ng paglikha ng trabaho bilang mga tagasuporta bawat kandidato.

Ayon nga sa usap-usapan, panahon ito upang ibalik sa taumbayan ng ilang pulitiko na nagnakaw sa kaban ng bayan lalo na ang mga incumbent officials na muling kakandidato.

Sana naman, lahat ng mga nagsamantala sa pondo ng bayan ay gastusin nila lahat sa eleksiyon at sana rin ay matalo ang mga ito upang maubos na ang mga magnanakaw na pulitiko sa bansa.

Sa mga mabibigyan ng trabaho sa kampanya sa eleksiyon ay kanilang samantalahin upang makalikom ng pera para sa kanilang pamilya.

Pero ang pagsigla ng ekonomiya ng bansa ay pansamantala lang dahil sa epekto nang malaking paggastos ng mga pulitiko at babalik sa normal matapos ang eleksiyon.

Kaya naman sa pagdaraos ng eleksiyon ay isang napakala-king kaganapan sa ating bansa na tayong mga botante ay may pakialam.

Hayaan nating gumastos ang mga pulitiko lalo na ang nagsamantala sa pondo ng bayan pero hayaan natin ang sariling kagustuhan na pumili ng karapat-dapat na kandidato na tunay na magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

ANG

AYON

ELEKSIYON

HAYAAN

ITO

KAYA

MAGBUBUNGA

MGA

PERO

PILIPINAS

SANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with