^

Punto Mo

Kasingbilis ng Kidlat!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG aking kaibigan ay may malaking hardware sa probinsiya nila. Isa ang bayan nila sa binayo ng bagyong Nona. Ang bubong ng tindahan nila ay inilipad ng hangin kaya ang mga paninda nila ay nabasa.

Ang ilang kahon ng pako ay napuno ng tubig. Ang mga lawanit at sampung pirasong pinto ay nabasa. Ang isang trak na bakal na kakadeliber lang isang araw bago dumating ang bagyo ay basang-basa ng tubig. Binayaran nila nang cash ang supplier. Ang SUV nila ay nabagsakan ng sanga Ganoon daw pala kapag sobra nang masakit sa kalooban ang mga nasasaksihan mo sa iyong paligid. Hindi ka makaiyak, hindi ka makapagsalita. Pakiramdam niya ay saglit na tumigil sa pagtatrabaho ang kanyang utak upang hindi makapag-process ang kanyang pandama. Namanhid ang kanyang damdamin habang pinagtulungan nilang mag-asawa na isilong sa bahaging may bubong ang ibang paninda na delikadong mababad sa tubig ulan. Pakiramdam daw nila ay kasinglakas sila ng kalabaw. Iyon siguro ang lakas na nadadama ng mga nasusunugan ng bahay. Iba nga lang ang sa kanila, tubig ang kalaban. Mabuti na lang at ang tinda nilang generator ay nasa bahaging hindi natanggal ang bubong. Ang isang generator ay P42,000. Masiraan ka ng isang piraso ay masisiraan ka talaga ng ulo.

Nagsimulang bayuhin ni Nona ang kanilang bayan ng ala-sais ng umaga. Humina lang ito pagsapit ng ala-una ng hapon. Nagsimulang magdatingan ang kanyang mga tindera. Napaiyak ang mga tindera sa naging kalagayan ng tindahan. Saka lang nadama ng aking kaibigan ang gutom at sama ng loob. Humagulgol siya nang humagulgol hanggang sa gumaan ang kanyang dibdib.

Kinabukasan, bago pa lang silang nagbubukas ng tindahan ay pila na ang mga bibili ng construction materials. Ipinaliwanag ng aking kaibigan na basa ang lawanit at pinto kaya ibinaba niya ang presyo. Ang bakal at pako ay basa rin. Pero hindi iyon inintindi ng mga kostumer. Ang mahalaga ay may mabili silang materyales para sa nasirang bahay. Lahat ng tinda nilang generator ay naubos. Wala na siyang  poproblemahing pako at bakal na kakalawangin dahil naubos din. May natira man, kaunti lang. Nabawi na nila ang ibinayad sa supplier.

Saglit siyang nagkulong sa kuwarto. Nanalangin siya sa Diyos at lubos na nagpasalamat. Naalaala niya : Habang inaayos nila ang mga paninda para iligtas sa pagkabasa, nagdadasal siya nang mataimtim—Diyos ko, hindi ko po maisip kung ano ang ipapakiusap ko sa iyo. Basta po iahon mo kaming mag-asawa sa problemang kinalulubugan namin ngayon. Pakiramdam ko po ay lunod na lunod na ako sa problema. Mabait talaga ang Diyos. Kung sumagot ay kasingbilis ng kidlat!

vuukle comment

ANG

BINAYARAN

DIYOS

GANOON

HABANG

HINDI

LANG

MGA

NAGSIMULANG

NILA

PAKIRAMDAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with