^

Punto Mo

‘Itigil ninyo ‘yan!’

- Tony Calvento - Pang-masa

BUMOBOTO ang patay at flying voters ilan lang ito sa problemang kakaharapin pagdating ng eleksyon. Ang iba pa dalawang beses kung bumoto  sa iisang botohan.

Sinubukang salain ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘voter’s list’ para magkaroon ng mas malinis na eleksyon sa susunod na taon. May polisiya silang ipapatupad dapat, ang ‘No Bio, No Boto’.

Kapag wala kang ‘biometrics’ hindi ka makakaboto. Maganda sana ang pinupunto dito ng COMELEC ngunit hinarang ito ng isang petisyon mula sa Kabataan Party List na pinangungunahan ni Terry Ridon.

Mawawalan daw ng karapatan ang halos tatlong milyong botante para makaboto sa darating na eleksyon dahil dito.

Kinwestiyon nila ang naging ‘dead line’ ng COMELEC na Oktubre 31, 2015. Ayon daw sa Election Omnibus Code, may 120 araw na panahong ibinibigay sa mga botante para makapagparehistro.

Sagot ng COMELEC kukulangin sila sa paghahanda sa darating na halalan kung pagbibigyan nila ang petitioner.

Naglabas naman ang Supreme Court (SC) ng Temporary Restraining Order (TRO) sa No Bio, No Boto ng COMELEC.

Kailangan daw itong maipatupad sa lalong madaling panahon. Ipinapatigil ng korte ang pagtatanggal sa listahan ng mga botanteng walang biometrics.

Binibigyan naman ng sampung araw ang COMELEC mula ng ilabas ang TRO para sa kanilang magiging sagot.

Maganda sana ang isinusulong nilang No Bio, No Boto. Malilinis ang mga pangalan at masasala ang mga lehitimong botante. Matatanggal ang mga taong lumulutang lang ang pangalan sa panahon ng eleksyon.

Marami pa dyan na doble ang pangalan at nakakaboto ng dalawang beses. Kung matutuloy ang No bio, No boto magiging daan ito para masiguro nating buhay ang isang taong nakarehistro.

Sa paglabas ng TRO na ito lolobo na naman ang mga botante at posibleng magkaroon pa ng dayaan.

Yung mga taong patay na at nabubuhay ang pangalan pagdating ng eleksyon ay maglalabasan na naman.

Nagbigay naman ang COMELEC ng panahon para makapunta ang mga tao at i-update ang kanilang impormasyon.

Nag-mail pa sila ng sulat sa iba para ipaalam sa mga botante na kailangan nilang magsadya sa opisina ng COMELEC para sa pagsasaayos ng kanilang impormasyon.

Kung hindi nakapunta ang ibang botante sa COMELEC para magpa-biometric hindi ba kakulangan din nila ito? Hindi sila naglaan ng panahon para magamit nila ang karapatang pumili ng kandidatong iboboto at ilalagay sa posisyon.

Kadalasan kailangan din nating umaksyon sa tamang panahon para magamit ang karapatan ng maayos. Kapag hindi ito naisaayos paulit-ulit lang na magkakaroon ng dahilan ang ibang kandidato na mandaya.

Malalaman natin ang magiging pinal na desisyon tungkol dito kapag nakapagbigay na ng kanilang sagot ang COMELEC.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

ACIRC

ANG

COMELEC

ELECTION OMNIBUS CODE

KABATAAN PARTY LIST

KAPAG

MAGANDA

MGA

NO BIO

NO BOTO

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with