^

Punto Mo

EDITORYAL - Dahil sa hayop na VFA

Pang-masa

MAY probisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA) na ang sinumang sundalong Amerikano na makakagawa ng krimen sa Pilipinas ay mananatili sa kustodiya ng US Embassy. Maliwanag na maliwanag ang kasunduang iyon na nilagdaan ng Pilipinas at United States. Kaya naman naprotektahan nang maayos si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton mula nang siya maakusahang pumatay sa transgender na si Jennifer Laude noong Oktubre 11, 2014 sa Olongapo City. Inilublob ni Pemberton ang mukha ni Jennifer sa inidoro hanggang mamatay ito. Inamin ni Pemberton ang pagpatay.

Nahatulang makulong ng 12 taon si Pemberton at ang utos ng huwes ay ikulong ito sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa. Pero hindi nangyari at hindi na mangyayari na sa Bilibid pagsisilbihan ni Pemberton ang sentensiya. Ayon sa report, iginagawa na siya ng jailhouse sa Camp Aguinaldo. Ito umano ay extention ng Bilibid. Ayon sa report, malaki ang ginagawang jailhouse kay Pemberton. May guwardiya mula sa NBP na nagbabantay kay Pemberton pero meron ding counterpart na mga sundalong Kano.

Bagamat nahatulan, hindi pa rin lubos na matanggap ng pamilya ng biktima ang tinatamasang kaluwagan ni Pemberton. Mapait anila ang tagumpay sapagkat ang inaasahan nila sa NBP idideretso si Pemberton at hindi sa Camp Aguinaldo. Nakikita anila na nasa likod ng akusado ang US at minamaniobra na huwag itong maging kawawa sa kabila na nakapatay ito.

Ang lahat ng mga nangyayaring ito ay dahil sa probisyon sa pinagkasunduang VFA. Kung hindi pumayag ang Pilipinas, hindi magkakalakas ng loob ang mga sundalo na gumawa ng krimen sa bansa. Kaya asahan na mauulit pa ang nangyari. Mayroon pang papatayin sa sariling lupa.

ANG

AYON

BILIBID

CAMP AGUINALDO

JENNIFER LAUDE

KAYA

MARINE LANCE CORPORAL JOSEPH SCOTT PEMBERTON

NEW BILIBID PRISONS

OLONGAPO CITY

PEMBERTON

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with