^

Punto Mo

EDITORYAL - Magtulungan laban sa terorismo

Pang-masa

NATAPOS kahapon ang dalawang araw na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Naging highlight sa pagtatapos ang nangyayaring terorismo sa ilang bahagi ng mundo na ang pinaka-huli ay ang pagsalakay ng ISIS militants sa Paris, France noong nakaraang linggo, apat na araw bago idaos ang APEC summit sa bansa na ikinamatay ng 129 katao at daang sugatan.

Nangako ang mga lider ng mga bansang mi-yembro ng APEC na magtutulungan para ganap na masugpo ang  terorismo sa mundo. Isa sa mga paraan na inilahad para mapigil ang pagsalakay ng mga terorista ay ang pagpigil sa pondong pera na nakalaan para sa terorismo. Isang paraan din ay ang pagpigil sa mga taong pinaghihinalaang miyembro ng terorista. Hindi raw dapat hayaang makapasok sa mga bansa ang mga terorista.

Ang Pilipinas ay maraming beses nang nakaranas ng bangis ng mga terorista. Ang pinakamalagim ay nangyari noong Disyembre 30, 2000 kung saan limang pagpapasabog ang ginawa nang sabay-sabay sa iba’t ibang lugar at ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat nang mahigit 100. Pinakarami ang namatay sa LRT-Blumentritt Station kung saan itinanim ang bomba sa isang coach. Nagkaroon ng pagsabog sa Plaza Ferguzon sa harap ng United States Embassy; sa isang bus sa Cubao, Quezon City; sa Ninoy Aquino International Airport at isang gasolinahan sa EDSA malapit sa Dusit Hotel sa Makati City. Mga miyembro ng Jemaah Islamiyah terrorist group ang nagsagawa ng pambobomba.

Muling nagkaroon ng pambobomba noong Pebrero 14, 2003 sa isang bus na nakahimpil sa Ayala Avenue na ikinamatay ng apat katao. Tinagurian iyon na Valentine bombing. Nagkaroon din ng pambobomba sa SuperFerry noong Feb. 2004 na ikinamatay nang maraming tao.

Mahalaga ang naging pag-uusap ng 21 lider sa APEC summit ukol sa terorismo at kung paano ito mapipigilan at madudurog. Mahalaga rin naman na maging mapagmatyag ang mamamayan sa galaw ng mga kahina-hinalang tao. Maging mapaghinala sa mga bagay na iniiwan sa sasakyan --- bus, LRT, MRT, barko, mall, simbahan, school at iba pang pampublikong lugar. Hindi lamang mga awtoridad ang dapat kumilos, kailangan din ang tulong ng mamamayan. Pagtulungang wasakin ang terorismo.

ANG

ANG PILIPINAS

AYALA AVENUE

BLUMENTRITT STATION

DUSIT HOTEL

JEMAAH ISLAMIYAH

MAHALAGA

MAKATI CITY

MGA

NAGKAROON

NINOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with