^

Punto Mo

The Better Samaritan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang maliit na bayan na napapalibutan ng bangin. Kadalasan ay aksidenteng nahuhulog ang mga tao sa nabanggit na bangin kaya’t naisipan ng  Good Samaritan na mag-raise ng fund upang makabili sila ng ambulansiya. Ito ay naka-stand by sa plaza upang anumang oras na may maganap na aksidente ay agad maisusugod ang pasyente sa ospital.

Ngunit may isang matalino na tumutol sa pagbili ng ambulansiya. Bakit daw hindi gamitin ang pondong malilikom sa pagpapagawa ng sementong bakod sa paligid ng bangin? Sa ganitong paraan, maiiwasan ang aksidente. At kung walang aksidente, hindi na kakailanganin ang ambulansiya. Bakit hihintayin pang masaktan kung puwede namang iwasan?

Ngunit karamihan sa mga mamamayang nakatira sa bayang iyon ay hindi ganoon kalalim mag-isip. Dahil dito, tutol sila sa suggestion ng matalino. Hindi nila makuha ang ipinupunto ng matalino. Kaya ang ending, gusto pa rin nilang ituloy ang planong pagbili ng ambulansiya.

Base sa istorya, makikita ninyo ang dalawang klase ng matulunging tao: 1) Tutulong pagkatapos maperwisyo ang kanyang kapwa. Tawag sa kanila ay Good Samaritan 2) Tutulong upang protektahan ang kanyang kapwa laban sa aksidente. Ito tinatawag na the  Better Samaritan. Alin ka sa dalawa?

 

ANG

BAKIT

BETTER SAMARITAN

DAHIL

GOOD SAMARITAN

ITO

KADALASAN

KAYA

NGUNIT

TAWAG

TUTULONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with