Karatista, nagbabantay sa kotse ng mga kustomer sa isang restaurant sa South Africa
PANATAG na panatag ang loob ng mga customer ng Lefty’s Restaurant sa Cape Town, South Africa habang kumakain sapagkat safe na safe ang kanilang mga sasakyan habang naka-park sa gilid ng kalsada. Tiwala sila na walang magbubukas at nanakawan ang kanilang sasakyan. Hindi rin sila nababahala na makakarnap ang kanilang sasakyan.
Tiwala sila na mapoprotektahan ito ni Master Lolo, ang karatistang tagabantay ng mga sasakyan sa lugar. Tinawag siyang Master Lolo sapagkat eksperto sa karate at tsako. Walang iniwan kay Bruce Lee si Master Lolo.
Sikat na sikat ang 36-anyos na car guard sa lugar sapagkat lagi siyang naka-suot ng Congolese balaclava at may hawak na tsako. Lagi siyang nasa harapan ng restaurant ng Lefty’s Restaurant sa Harrington Street.
Dahil sa ginagawa ni Master Lolo na mahusay na pagbabantay sa mga sasakyan, ipinost ng mga customer ang kanyang video sa YouTube. Sabi ni Master Lolo, gusto raw ng mga tao na mapangalagaan ang kanilang sasakyan kaya raw ginagawa niya ang lahat para mabantayan ito. Kahit daw gasgas ay hindi nagkakaroon ang mga sasakyan. Lahat daw ay gagawin niya para mapangalagaan ang mga sasakyan.
Lalaking may cancer, gustong makaranas na ikasal kaya pinakasalan ang love doll
ISANG lalaki sa China ang pinag-uusapan ngayon dahil sa ginawa niyang pagpapakasal sa isang life-size plastic love doll! Kumalat ang wedding picture ng lalaki at ng manika na nakadamit-pangkasal.
Ayon sa report, gumastos ang lalaki para ayusan ang manika. Kumuha siya ng make-up artist, hair stylist, at bumili nang maraming wedding gown para pagpilian. Gusto ng lalaki na magmukhang totoong babae ang manikang pakakasalan.
Hiniling ng lalaki na huwag nang ilantad ang kanyang pangalan. Ginawa raw niya ang pagpapakasal sa manika para maranasang ikasal. Siya raw ay may cancer at may taning na ang buhay.
- Latest