^

Punto Mo

Solusyon sa almoranas

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

HEMORRHOIDS o almoranas ang tawag sa kondisyon na kung saan ay may mga ugat na lumobo o pumutok sa loob na bahagi ng puwit. Puwedeng internal hemmorrhoids ito o external. Ang naghahati ay ang sphincter muscle ng anus. Kung nasa taas nito, internal type ang hemorrhoids. Kung nasa baba nito, external. Puwedeng internal lang, o external lang, o parehong present ito sa iisang tao.

Hindi masakit ang pagdurugong dulot ng external hemorrhoids. Pero nagdudulot ito ng pakiramdam na ito’y parang puno. Kapag tayo’y umiiri dahil sa matigas na pagdumi, ang mga ugat na nakapaligid sa anus ay nagngangalit, napupuno ng blood clots, at puwedeng pumutok. Pag nangyari ‘yon, asahan mo nang masakit ang magiging pagbabawas ng dumi. Bumibilang nga mga limang araw bago tuluyang mawala ang mga blood clots at bumalik sa normal ang lahat.

Sa internal hemorrhoids, pagdurugo ang nangungunang sintoma. Kadalasang ito’y dahil sa minor injury.

Common ang almoranas sa mga taong nangangailangan ng matagalang pagtayo o pag-upo gaya ng mga driver ng bus, taxi, jeepney, mga nurses, security guards, at tellers. Ang pagbubuntis ay puwede ring magdulot ng hemorrhoids. Pero kadalasang natatanggal ito kapag nanganak na.

Ang nangungunang sanhi ng paglabas ng hemorrhoids ay ang mataas na presyon sa loob ng ugat dulot ng pag-ubo, pagtaba, paghatsing, o pag-ire ng matindi kapag matigas ang dumi. Kung magiging madalas ang pagdumi ng matigas, at laging iire, magiging regular ang presyon sa ugat, at puwedeng itulak ito palabas.

Ano ang mga posibleng solusyon?

1. kung masakit ang atake ng almoranas, gawin ang warm sitz bath. Maupo sa isang palangganang may maligamgam na tubig. Kung nangangati ang almoranas, magdagdag ng isang tasang harina sa nasabing palanggana.

2. Kung madalas na constipated, dagdagan ang pagkain ng gulay at prutas kaysa karne. Mag-ehersisyo rin. Gumamit din ng suppository kung natatantiyang constipated. Uminom din ng maraming tubig. Kung maiiwasan ang constipation, baka hindi kailanganin pa ang operasyon.

3. Ikunsidera ang operasyong hemorrhoidectomy lalo na kung ang pananakit at pangangating dulot ng almoranas ay matindi  at  paulit-ulit.

4. Magpasuri ng puwit sa pamamagitan ng colonoscopy, proctosigmoidoscopy, o barium enema. Kung walang makikitang tumor sa loob ng anus, hindi naman kailangang sumailalim na agad sa operasyon.

vuukle comment

ANG

ANO

BUMIBILANG

GUMAMIT

HEMORRHOIDS

IKUNSIDERA

ITO

KUNG

MGA

PERO

PUWEDENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with