^

Punto Mo

Ang magnanakaw ng cookies

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG babae ang sobrang napaaga ng dating sa airport. Mahaba-habang oras din ang “papatayin” niya bago sumapit ang kanyang flight. Pumunta siya sa bookshop na nasa loob ng airport at bumili ng libro upang hindi siya mainip. Tapos ay naisipan niyang bumili ng isang supot na popular at paborito niyang  choco cookies.

Horror na medyo fantasy ang genre ng nobelang binabasa niya kaya doon sa binabasa niya nakapokus ang kanyang buong atensiyon. Naisipan niyang kumuha ng cookies sa supot na nauna na niyang binuksan bago pa lang siyang mag-umpisang magbasa. Ipinatong niya ang cookies sa kanyang tagiliran upang dudukutin na lang niya ang cookies habang nagbabasa.

Pagdukot niya sa ikalima o ikaanim na cookie ay napansin niyang may isang kamay na dumudukot din sa supot. Patay-malisya nitong kinain nang sabay ang dalawang cookies na dinukot nito. Aba’t…dala-dalawa pa kung kumuha. Pasimple niyang sinipat ang katabi. Lalaki. Mahirap tarayan. Baka suntukin siya. Hindi naman mukhang patay-gutom at sosyal nga ang suot na sapatos pero bakit siya dumadampot ng cookies nang may cookies? Hmp! Bastos na lalaki. Makikita mo. Sige dumukot ka pa at tatampalin ko ang kamay mo! 

Dumukot muli ang lalaki at tinampal na niya ang kamay nito. “Kanina mo pa kinakain ‘yang cookies ko. Nakakaloko ka ba?” Tumayo na ang babae mula sa kanyang pagkakaupo, hinarap ang magnanakaw ng cookies na nakapameywang.

Nakangiti pa rin ang lalaki kahit tinarayan na siya ng babae. “Miss, nagkakamali ka, aking cookies ‘yan. Pero kung gusto mong humingi, okey lang. May isa pa akong supot dito. Sa iyo na ito.”

Nakikinig pala ang isang matandang babae na nasa likuran ng dalawang nagtatalo. Hindi nakatiis ang matanda at nakisali na rin sa usapan: Miss ang iyong cookies ay nariyan sa kaliwa mong tagiliran. Hayan, tingnan mo. Dumampot ka sa supot ng cookies na nasa kanang tagiliran mo na nagkataong pag-aari ng lalaking katabi mo. Kanina ko pa kayo inoobserbahan. Hiyang-hiya ang babae at nag-sorry sa lalaki.

Ilang beses na tayong ipinahiya o ipinahamak ng maling akala? Ang aral ng kuwentong ito ay mag-imbestiga muna hanggang sa matagpuan ang katotohanan, then, saka sumugod at lumaban.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COOKIES

DUMAMPOT

DUMUKOT

HAYAN

HIYANG

HMP

KANINA

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with