^

Punto Mo

‘Paano na ang Undas?’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAGTAPAK ng Nobyembre Halloween Party at nakakatakot na kasuotan ang makikita mo sa iba’t-ibang lugar.

Ganito kung ipagdiwang nila ang unang araw ng Nobyembre. Ngayong tapos na ang Nobyembre 1 at 2 gusto ko lang sabihin kung naalala pa nga ba natin ang tunay na kahulugan ng mga petsang ito.

Hindi ito para lang magtakutan o bumili ng mga dekorasyon sa bahay o opisina. Hindi ito batian lang ng ‘Happy Halloween’ tulad ng madalas gawin ng karamihan.

Sa malalaking village dito sa bansa nagkakaroon sila ng programa kung saan pagandahan ng Halloween Costume ang mga Homeowners pagandahan din ng dekorasyon sa bakod, mas nakakatakot mas magaling.

Darating ang mga bata dala ang kanilang mga basket na lalagyan ng laman mula sa ibang village. ‘Trick or treat’ ang tawag dito.

Lumalabas tuloy na ginagawa lang nating napakababaw ng kahulugan ng araw na ito.

Saan ba nagsimula ang Halloween Parties? Pinaikli ito mula sa ‘All Hallows’ Evening’. Nagsimula ito sa Amerika.

Ipinagdiriwang nila ito sa pamamagitan ng pagbo-bonfire, trick or treats, pagsusuot ng nakakatakot na damit at pagpunta sa mga ‘haunted houses’.

Umabot na hanggang Pilipinas ang gawaing ito na unti-unti nang tinatangkilik ng mga Pilipino.

Dahil sa pagsunod natin sa tradisyonal na ginagawa ng ibang bansa partikular sa kanluran (West) hindi na natin nabibigyan ng halaga kung saan dapat ilaan ang mga petsang ito.

Kumakagat tayo sa komersiyalismo na ang tanging kumikita ay ang malalaking mall na nagtitinda ng mga costume.

Kung tutuusin at iisipin ninyong mabuti hindi ito pagsasaya sa ganyang paraan. Ito ay araw para gunitain natin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na.

Hindi sa mga party dapat ang punta natin kundi sa  kanilang mga puntod para mag-alay ng dasal at bisitahin sila. Magdala ng mga bulaklak at kahit isang araw man lang sa isang taon ay mapuntahan sila sa lugar kung saan sila nakahimlay.

Dalawang damdamin ang meron ako sa mga petsang ito. Nakaka-miss ang mga taong nauna sa atin pero kung iisipin mo mas dapat tayong maging masaya dahil nasa magandang kalagayan na sila at kasama na ang ating Panginoon.

Ginugunita dapat natin sila at hilingin na bantayan at gabayan nila tayo sa patuloy nating pakikiharap dito sa mundo.

Lalo na ngayon na marami nang masasamang loob ang nagkalat at hindi naman sila mahuli lahat.

Dapat iisantabi natin ang pagsasaya at ilaan naman sa kanila ang panahong ito.

Ngayong taon kitang-kita na malaki ang nabawas sa nagpupunta sa mga puntod ng mga mahal nila sa buhay at kumonti na rin ang mga kababayan nating umuwi ng kani-kanilang probinsiya at mga nagpunta sa mga sementeryo.

Noong mga nakaraang taon malaki pa ang bilang ng mga dumadagsa sa malalaking sementeryo tulad ng Manila North Cemetery, Loyola Memorial Park, La Loma Catholic Cemetery, Libingan ng mga Bayani, Manila South Cemetery at marami pang iba.

Bilang kapamilya ng mga taong namayapa ilaan natin ang mga araw na ito para sa kanila at hindi sa pagsunod sa tradisyonal ng ibang bansa.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ALIGN

ALL HALLOWS

ANG

HALLOWEEN COSTUME

ITO

LEFT

MGA

NATIN

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with