^

Punto Mo

Babae, 8 oras na na-trapped sa chiller, nakaligtas!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGTATRABAHO sa isang cold store si Karlee Daubeney, 20, at hindi niya aakalaing sa pinagtatrabahuhan pala siya mata-trapped ng walong oras, Mag-isang nagtatrabaho si Karlee sa store at nasa late shift nang mangyari ang insidente.

Ayon sa report, inilalagay ni Karlee ang mga gatas sa loob ng cold store at naghahanda na para isara iyon nang biglang mag-locked ang pintuan sa likod niya. Nakulong siya. Pinipilit niyang buksan ang pinto pero naka-locked na iyon.

Ginaw na ginaw si Karlee sapagkat ang temperature sa cold room ay nasa above zero.

Naka-leggings lang siya ng mga oras na iyon at manipis ang damit na nakatalukbong sa kanyang ulo.

Gusto nang magpanic ni Karlee sa nangyari subalit tinatagan niya ang sarili at nag-isip ng paraan para makalabas sa cold store.

Hanggang sa maisip niyang magsulat ng “HELP ME” sa isang puting papel gamit ang ketchup. Isinuot niya ang papel sa ilalim ng pintuan sa pag-asang makitya iyon ng guard o kaya ay mahagip ng CCTV. Kapag nakita iyon ng sekyu, tiyak na sasaklolohan siya.

Pero lumipas ang ilang oras ay wala pa ring sumasaklolo.

Hanggang abutin siya ng wa­long oras sa nagyeyelong chiller. Halos manhid na ang kanyang katawan. Hindi na siya makatayo sa sobrang ginaw. Wala na rin siyang lakas para makagawa ng ingay para may makapansin.

Dakong 7:30 ng umaga, saka lamang siya nailigtas nang duma-ting ang kasamahan sa trabaho.

Agad siyang isinugod sa ospital. Ayon sa mga doktor, muntik na siyang magka-hypothermia.

Idinemanda niya ang may-ari ng cold store dahil sa pangyayari. Ayon kay Karlee ang pangyayari ay nagdulot sa kanya ng physical at mental damage.

Marami naman ang hu­manga kay Karlee kung paano nalampasan ang walong oras sa nagyeyelong chiller.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAKONG

GINAW

HANGGANG

IDINEMANDA

ISINUOT

KAPAG

KARLEE

MARAMI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with