^

Punto Mo

Pastor sa Africa, nagbebenta ng ‘Miracle Pen’ na nakatutulong sa mga estudyante na makapasa sa exam kahit hindi mag-aral

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pastor sa Harare, Zimbabwe ang dinudumog ngayon dahil sa mga binasbasang ballpen na malaki ang maitutulong sa mga estudyante para makapasa sa exams.

Ayon sa pastor na nakilalang si Prophet Sham Hungwe, ang kanyang mga binasbasang ballpen na tinawag niyang miracle pens ay nakatutulong sa mga estudyante na makapasa sa exams kahit na hindi mag-aral o mag-review.

Sabi ni Prophet Sham, dahil nabasbasan na ang ballpen, tiyak na makakapasa sa exam ang estudyanteng gagamit nito. Dinideklara niyang papasa ang sinumang gumamit ng ballpen.

Sa kanyang sermon sa mga miyembro ng House of Grace International Church, mariin niyang sinabi na ang lahat nang mga bumili ng kanyang miracle pen ay pawang nakapasa sa exam kahit hindi nag-aral.

Ang miracle ballpen ay iba’t iba ang presyo: may $1 at $20. At sabi ni Pastor Sham, kung mas mahal ang bibilhing ballpen, mas lalong malaki ang tsansang makapasa sa exams.

Dahil sa pagpapatotoo ni Prophet Sham sa miracle pen, lalo nang dumami ang gustong makabili nito. Halos maubos ang mga ballpen ng pastor.

Lalo pang dinumog ng mga miyembro ang ballpen ng pastor ng isang estudyante ang nag-testify na nakakuha siya ng 14 points sa exam kahit hindi siya nag-aral.

vuukle comment

ANG

AYON

BALLPEN

DAHIL

DINIDEKLARA

HARARE

HOUSE OF GRACE INTERNATIONAL CHURCH

MGA

PASTOR SHAM

PROPHET SHAM

PROPHET SHAM HUNGWE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with