Frozen na ebak at ihi mula sa eroplano, bumagsak sa bubong ng bahay ng mag-asawa sa UK
NAGULANTANG ang mag-asawang Keith at Ruth Mead ng United Kingdom, nang may bumagsak sa bubong ng kanilang bahay at lumikha ng butas doon.
Ang akala ng mag-asawa ay may nagbanggaan kotse sa labas at mabilis silang lumabas para tingnan iyon. Hindi sila makapaniwala sa nakita. Isang mala-king tipak nang nagyeyelong ebak at ihi ng tao ang kanilang nakita. Nanggaling iyon sa isang eroplanong nagdaan sa kanilang lugar na may taas na 30,000 feet at direktang tumama sa kanilang bubong.
Ang mag-asawa, kapwa retirado ay labis na natakot sa ma-lakas na ingay na nilikha ng frozen ebak at ihi. Si Ruth, 67, ay nasa attic nang mga sandaling iyon at muntik na siyang tamaan. Sabi ni Ruth, “It was a horrendous noise. I thought someone had crashed into the front of the house.” Sabi niya kung may tinamaan niyon ay baka may namatay.
Nagmamadali namang nagtungo sa labas si Keith, 70, at tiningnan kung ano ang nangyari. Akala niya may nagbanggaang sasakyan sa harap ng kanilang bahay.
Nang tingnan niya, nakita niya ang tumalsik na piraso ng tile roof sa bakuran. Nakita rin niya ang isang tipak ng frozen ebak at ihi na may timbang na 1 libra at may habang 7 inches.
Ang butas sa bubong ay may 3 feet ang haba at 2 feet ang laki.
Itinago ni Keith ang piraso ng frozen ebak sa freezer para may ebidensiya at kailangan din iyon para sa insurance claim.
May 25 insidente ng pagbagsak ng frozen ebak at ihi ang nairereport sa Civil Aviation Authority bawat taon.
- Latest