^

Punto Mo

’Yang pagnininang sa binyag

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY panahon noon na tuwing ikalawang buwan ay nag-aanak ako sa binyag. Biro ng mga kapatid ko: “In demand” daw ako sa pagnininang. Kahit masakit sa bulsa ay ikinatutuwa ko naman iyon dahil ibig sabihin lang noon ay maganda siguro akong makisama kaya napipisil nila ako na maging second parent ng kanilang anak.

Minsan ay napili ako ni  Margie para maging ninang ng kanyang anak. Pero hindi niya ako personal na kinausap. Ang tiyahin niya na nagkataong kakilala ko ang tumawag lang sa akin sa telepono para sabihing isa ako sa ninang. Hindi pa uso ang cell phone noon. Ayon sa paliwanag ng tiyahin, sobrang abala raw si Margie sa trabaho kaya siya na lang ang inutusang tumawag sa akin.

Sinabi kung kailan ang binyagan at saang simbahan ito gaganapin. Ang problema, hindi ako pamilyar sa simbahan, idagdag pa rito na hindi alam ng tiyahin ang eksaktong address ng simbahan. Sa kabila nito ay hindi na ako nangulit pa dahil inaasahan kong padadalhan ako ng invitation o tatawagan ako ni Margie. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Walang pagtawag na naganap. Walang invitation card na dumating.

Isang araw bago ang binyagan, ako na mismo ang tumawag sa bahay ni Margie. Ang tiyahin ang sumagot. Wala raw si Margie.

“Auntie, talaga bang isa ako sa ninang ni Sherbet?”

“Oo naman. Bakit?”

“Kasi ho, hindi man lang ako tinawagan ni Margie, tapos walang invitation card siyang ipinadadala sa akin, kaya naisip ko,  baka hindi ako kasali sa binyagan”

“May ipinamigay siyang invitation card pero hindi ka na pinadalhan dahil malapit ka raw naman sa simbahan”

“Ganun???”, sa loob-loob ko lang. Aba, tatlo na ang anak nitong si Margie ay wala pang kamuwang-muwang tungkol sa etiquette ng pagkuha ng ninang ng kanyang anak. Ang lagay, parang pang-abala pa ako sa kanya.

“Ano ho ba ‘yan, Auntie…malapit nga ako sa simbahan, hindi ko naman alam kung saan ‘yun. Di ba, bagong lipat lang kami dito? Nasaan ho ba si Margie? Para namang saling-pusa ako sa binyagang ‘yan”, nagpakawala na ako ng ganoong klaseng salita. Inis na inis na ako.

Nabahala siguro ang matanda sa aking sinabi kaya pagkaraan ng ilang oras ay tinawagan ako ni Margie. Boses na tila humihingi ng paumanhin ang aking narinig sa kabilang linya. Hindi pa tapos sa pagpapaliwanag pero pinutol ko na ang kanyang pagsasalita, sabay tanong ng –“Ano ba ang kumpletong address ng simbahang yan at anong oras ng binyagan?” Sinagot ang tanong ko. Yun lang at nag-goodbye na ako.

Maaga akong dumating. Pumunta ako sa reception. Nagbigay ng pakimkim. Hindi ko na tinapos ang party at umuwi kaagad ako pagkatapos kumain. Sa first birthday ng aking inaanak, inimbitahan ulit ako. Si Auntie ulit ang pinatawag sa akin. Kagaya ng dati, busy sa trabaho kaya hindi makapag-imbita nang personal. Pero humingi ako ng paumanhin. “May lakad po ako sa araw na ‘yun”, sabi ko.  Ang totoo, wala akong lakad. Tinatamad lang ako pumunta.

ACIRC

AKO

ANG

ANO

AYON

HINDI

LANG

MARGIE

PERO

SI AUNTIE

WALANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with