^

Punto Mo

Dapat bang sumunod sa UN sa kaso ni GMA?

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MALAKING  katanungan ngayon kung dapat bang sumunod ang Pilipinas sa desisyon ng United Nations na nagsabing labag sa karapatang pantao at international law ang pagkakakulong ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay batay sa deklarasyon ng abogado ni GMA na si Amal  Clooney. Sinang-ayunan ng UN ang argumento ni Clooney.

Ayon kay Secretary Sonny Coloma, hindi daw dapat manghimasok sa panloob na prosesong hudikatura ang UN at dumaan naman daw sa due process ang kaso ng dating Presidente na nahaharap sa kasong plunder.

Pero may mga nagsabi na ring kilalang abogado na dapat ay pinayagan ng makapagpiyansa si GMA dahil ang mga kapwa akusado nito ay pansamantalang nakalaya na matapos na payagang makapagpiyansa.

Itinuturing daw kasi na conspiracy ang kasong plunder kung kaya pagmayroong napagbigyan na makapagpiyansa ay dapat din itong ibigay sa lahat ng akusado.

Pero nasa kamay na ng gobyerno kung susundin ang naging deklarasyon ng UN na pumapabor para makalaya si GMA at kung ito ba ay ikokonsidera ng ating korte.

Subalit kung hindi naman susundin ng Pilipinas ang UN, papaano naman ang isang katanungan na hindi rin dapat makialam o manghimasok ang UN sa kaso ng West Philippine Sea laban sa China.

Sa ngayon ay iniakyat ng Pilipinas sa UN arbitration tribunal ang usapin ng West Philippine Sea laban sa China.

Ang pinangangambahan dito ay baka maapektuhan ang kaso sa West Philippine Sea kung iisnabin natin ang deklarasyon sa kaso naman ng dating Presidente. Abangan natin ang susunod na mangyayari rito.

vuukle comment

ABANGAN

ANG

AYON

CLOONEY

ITINUTURING

PERO

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SECRETARY SONNY COLOMA

UNITED NATIONS

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with