‘Ingat sa mga kolektor kuno ng Tulfo Brothers’
(Modus)
HINDI estilo ng BITAG o ng sinuman sa TULFO BRO-THERS ang kumatok sa pintuan ng kung kani-kaninong tanggapan para humingi o mag-solicit ng pera.
Hindi rin namin gawain ang magtatatawag gamit ang telepono para magpa-sponsor ng pamasahe sa gagawin naming public service kuno sa mga malalayong lalawigan at probinsiya.
Lalong hindi namin gawain at diskarte ang magpadala ng mga bagman o tao sa iba’t ibang peryahan o lugar na may jueteng para mangolekta ng payola.
Kino-kondena naming mga ‘tol ang ganitong matagal nang gasgas na aktibidades ng mga hayupak at putok sa buhong nasa likod nito. Lalo na ngayong “ber” months kung saan nagkalat ang mga kotongero gamit ang pangalan ng mga sikat na personalidad sa media.
Mayroon na naman kasing nakaabot na report sa TULFO BROTHERS hinggil sa matagal nang modus na ito.
Kaya patuloy na babala o all points bulletin (APB) ng BITAG, ‘wag magpapaniwala sa mga tumatawag o nagso-solicit gamit ang pangalan naming mga ‘tol lalo na ako, si BEN TULFO.
Paborito kasing gamiting panakot ang pangalan ko sa mga senador, kongresman, gobernador, mayor, vice mayor at iba pang mga pulitiko, mga direktor ng mga tanggapan ng gobyerno sa rehiyon pati na sa mga pribadong opisina para maka-solicit ng pera.
Kaya sa mga nabanggit na personalidad, huwag magpapaniwala sa modus na ito. Nasa inyo ang aking basbas, sinuman ang tumawag sa inyo at manghihingi ng pera o anumang donasyon kuno gamit ang telepono, i-entrap n’yo na!
* * *
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.
- Latest