^

Punto Mo

Chiz, bulilyaso ang ambisyon

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PORMAL nang nagdeklara si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang vice president sa 2016 elections.

Pumayag si Robredo na maging katambal ni Mar Roxas na inaasahang magpapalakas sa puwersa ng mga kandidato ng administrasyon.

Dahil dito, usap-usapan sa pulitika na tila nadiskaril na naman ang ambisyon ni Sen. Chiz Escudero na maging vice president.

Si Escudero ay pormal nang nagdeklara bilang katambal ni Sen. Grace Poe na tatakbo naman bilang president.

Kaya naging tampok na usapin si Escudero dahil ang paniniwala ng marami na kayang-kaya itong talunin ni Robredo lalo pa’t magkabaliktad ang kanilang ugali at paggalaw sa publiko.

Si Robredo ay walang hilig sa publisidad at tahimik na nagtratrabaho sa distrito. Bukod dito, hindi inambisyon ni Robredo na maging vice president pero ngayon ay biglang napunta sa kanya ang pagkakataon.

Kabaliktaran naman ang galaw ni Escudero na ang pagka-kilala ay mayabang, maingay, puro daldal at mahilig magpain-terbyu sa media. Higit sa lahat, talagang inambisyon ni Escudero na masungkit ang mataas na posisyon sa gobyerno dahil noon pa man ay nagtangka na itong kumandidatong president subalit naudlot at ngayon ay vice president.

Kung matatandaan, halos kasado na ang preparasyon ni Escudero na kumandidatong presidente noong 2010 pero nadiskaril dahil namatay noon si dating President Cory Aquino at lumakas ang simpatya at panawagan na kumandidato si Noynoy at nanalo.

Abangan na lamang natin kung sino ang gugustuhin ng mamamayan sa pagitan nina Robredo at Escudero na parehong taga-Bicol. Maaring maging tatlo silang Bikolano kung matuloy si Sen. Gringo Honasan na katambal ni Vice President Jejomar Binay.

ANG

CAMARINES SUR REP

CHIZ ESCUDERO

ESCUDERO

GRACE POE

GRINGO HONASAN

LENI ROBREDO

MAR ROXAS

PRESIDENT

PRESIDENT CORY AQUINO

ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with