Bakit ang Buhay, parang High School Life?
LIKAS nang ugali ng lalaking ito, na gawin nang buong husay ang anumang trabahong ibinigay sa kanya, na parang last chance na niya iyon. Katwiran niya, para naman masulit ng kompanya ang isinusuweldo sa kanya. Nagiging fair lang siya sa kompanyang pinanggagalingan ng ikinabubuhay niya. Ito marahil ang dahilan kung bakit kadalasan ay nagugustuhan ng mga nagiging boss niya ang kanyang attitude sa trabaho.
Ngunit ang workplace ay maihahambing sa high school life. Ang mga honor students ay kinaiinggitan ng mga bobo. Ang mga bobo ay nakaka-survive lang sa pamamagitan ng pagsipsip sa teacher. Kasi nga, bobo…walang alam. Pinag-iinitan ng mga bobong ito ang matatalino. Aabangan na magkamali at saka isusumbong sa teacher. ‘Yung sumbong na may kasamang paninira para sila ang maging good boy at bida sa teacher.
Minsan na siyang siniraan ng isang sipsip na officemate na tumanggap daw sila (kasama ang kanyang superior) ng pera para tanggapin ang isang “trabaho”. Ang nakakatawa, ang sipsip na ito ay minsan nang nagkaroon ng kasong pangongotong. Ang taong may integridad ay hindi natatakot anuman ang ibintang sa kanya. Kahit paulit-ulit siyang “imbestigahan” ay consistent ang kanyang isinasagot. Diretso at walang kagatol-gatol ang kanyang pagkukuwento dahil ang sinasabi niya ay pawang katotohanan. Ang kanyang superior na nakasama sa bintang ay nagkataong kilala rin sa pagkakaroon ng magandang karakter kaya hindi sila nahirapang patunayan sa management na wala silang ginawang masama.
If you tell the truth you don’t have to remember anything. — Mark Twain
- Latest