^

Punto Mo

‘Pagkalat ng illegal na droga’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKABABAHALA ang patuloy na pamamayagpag ng bilihan at bentahan ng ilegal na droga sa bansa.

Taon-taon, lalo pang lumalawak ang patagong industriyang ito dahil mayroong demand at supply sa merkado. Subalit walang mga nakaupo sa pamahalaan ang may lakas-loob na magsalita sa isyu.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Noy Aquino, bago raw siya bumaba sa puwesto, paiigtingin niya ang kampanya kontra ilegal na droga.

Target ng presidente, mapigilan na ang pagpapakalat nito at matuldukan na ang mga pagpupuslit ng mga sindikato sa bansa. Sa mga balitang naglabasan sa telebisyon, radyo at peryodiko, wala siyang binanggit tungkol sa pagdadagdag sa kakarampot na pondo.

Ang mga senador at kongresista naman, tikom din ang bibig sa paggawa at pag-amyenda ng mga batas tungkol dito.

Sa huling datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 92% barangay sa Metro Manila, napasok na ng droga.

Sa malisyosong pag-iisip, dalawang bagay lang kung bakit ayaw magsalita ng mga mambabatas sa bentahan ng ilegal na droga sa bansa. Una, maaaring nababahag ang kanilang mga buntot. Pangalawa, posibleng protektor sila ng mga sindikato dahil suportado sila ng mga nasa likod nito. Narcopolitics kung tawagin. Malapit na naman ang eleksiyon.

Isa ang BITAG sa mga programa sa media na matagal nang nananawagan sa pamahalaan partikular sa lehislatura, taasan ang pondong ilalaan sa mga ahensyang nagdedeklara ng gyera kontra droga.

* * *

Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISA

MALAPIT

METRO MANILA

MGA

NARCOPOLITICS

NAUNA

NBSP

PANGALAWA

PANGULONG NOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with