^

Punto Mo

Kampihan na

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HALATANG-HALATA na ang mga pulitiko maging ang mga indibidwal na kanya-kanya nang kampihan para sa 2016 presidential elections.

Maging ang mga kilalang abogado o election lawyer at mga political analyst ay mahahalata na kung sino ang kanilang kinakampihang kandidato sa eleksiyong pangpa­nguluhan.

Isa sa aking nahalata ay ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na tila abogado ni Sen. Grace Poe.

Sa mga legal opinion ni Macalintal ay idinedepensa nito si Poe sa usapin ng citizenship lalo na nang magpahayag si Senate Electoral Tribunal chair at Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na lumilitaw na naturalized at hindi natural born Filipino si Poe.

Dapat alam ni Macalintal na ang anumang pahayag ni Carpio ay opinyon lamang at ang buong miyembro ng SET ang maglalabas ng desisyon.

Maging itong partylist representative na si dating Justice Secretary Silvestre Bello III ay nais mag-inhibit si Carpio sa SET dahil sa may kaugnayan ito kay Atty. Nonong Cruz na abogado ni Mar Roxas.

Kung mangyayari ito, dapat din palang mag-inhibit ang mga kapwa senador ni Poe na miyembro ng SET lalo na si Sen. Tito Sotto. Lantaran itong pumapabor sa kandidatura ni Poe at ang ibang kasamahan sa Senado.

Wala namang masama na magkampihan na at sumuporta na ng lantaran sa mga kandidato. Pero huwag nang magkubli sa mga kunwaring sila ay nasa gitna at walang kinakampihan.

Kung walang pansariling interes ang mga ito, ngayon pa lang ay agad ng magdeklara o mangako sa publiko na hindi sila ttanggap ng anumang posisyon sa gobyerno kung sakaling palarin ang kinakampihang kandidato.

ANG

CARPIO

GRACE POE

MACALINTAL

MAR ROXAS

MGA

NONONG CRUZ

ROMULO MACALINTAL

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SUPREME COURT SENIOR ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with