^

Punto Mo

Sampaguita (161)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MALAPIT na tayong makalabas sa lupain ni Levi!” sabi ni Ram kay Sam habang tumatakbo. Nakita nila ang alambreng bakod sa di-kalayuan.

“Paano tayo makakalabas sa alambreng bakod?’’

“Huwag kang mag-alala, makakalusot tayo. Mayroon tayong mutya di ba?’’

“Oo. Kaya nating ma­kalusot sa alambre!’’

“Bilisan pa natin, Sam. Kailangang makaalis tayo sa lupaing ito. Baliw na si Levi. Wala na siya sa katinuan.’’

“Alam mo ba ang dahi­lan kung bakit galit siya sa mga babae?”

“Bakit?’’

“Nagtaksil pala ang kanyang mama. Nahuli niya itong nakikipagtalik sa kanilang boy. Mula noon, nagtanim na ng galit sa mga  babae. At alam mo ba, siya mismo ang pumatay kay Ylang-Ylang. Itinulak niya ito sa bintana ng condo. Kaya pala ganun na lamang ang galit ni Sir Manuel sa taong ‘yan. Marami na palang babaing napatay. Hindi lang makasuhan dahil walang ebidensiya.’’

“Napakasama pala niya!’’

“Mabuti na lang at natauhan ako Ram. Muntik na ako. Kung nagtagumpay siya sa akin, papatayin ako at itatapon sa dagat. Muntik nang hindi tayo magkita, Ram. Salamat sa Diyos at nagkita pa tayo.’’

“Talagang tayo pa ring dalawa kahit ano ang mangyari.’’

“I love you Ram.’’

“Mahal na mahal kita, Sam.”

Ilang hakbang na lang ang layo nila sa alambreng bakod na nagsisilbing hangganan nang marinig nila ang boses ni Levi. Nasundan pala sila nito.

“Hindi kayo makakatakas sa lupain ko! Ililibing ko kayo nang buhay dito.”

Subalit hindi natakot sina Ram at Sam. Nagpatuloy sila sa pagtakbo para marating ang alambreng bakod.

“Hindi kayo makakalabas! Huwag na kayong tumakas, ha-ha-ha! Papatayin ko kayo!”

Narating nina Ram at Sam ang alambreng bakod.

Hinawakan ni Ram ang alambre. (Itutuloy)

ACIRC

ALAM

ANG

BAKIT

BALIW

BILISAN

HUWAG

KAYA

MUNTIK

RAM

SIR MANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with