^

Punto Mo

Babae, nakaligtas sa car crash dahil sa kanyang breast implants na nagsilbing airbags!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKALIGTAS sa kamatayan si Elena Marinova, 24, taga-Sofia, Bulgaria sa malagim na car accident. Ang nagligtas sa kanya ay ang kanyang 40DD breast implants.

Nagbanggaan (head-on-collision) ang minamanehong kotse ni Elena sa isa pang kotse sa northern city ng Ruse. Sa lakas ng pagbangga, parang pinitpit na lata ang dalawang sasakyan na mahirap isiping may mabubuhay. Pero nakaligtas si Elena dahil ang kanyang breast implant ang nag-absorbed ng impact. Nag-burst at na-deflated ang implant. Ang kanyang silicone breasts ang nagsilbing airbags at halos wala siyang galos sa katawan.

Ayon sa mga pulis nakaligtas din naman ang tao sa kotseng nakabanggaan ni Elena.

Doktor, ipinalathala ang hubad na picture ng kanyang babaing pasyente na hindi nagbayad sa ginawa niyang breasts implant

HINDI akalain ni Dr. Michael Koenig na lolokohin siya ng kanyang babaing pasyente na nagpa-breasts implant sa kanya. Nagpakilala ang babae na si Tanja. Nagkasundo sila ni Tanja sa halagang £5,400 (€8,000) na bayad sa isasagawang operasyon sa suso nito.

Nang matapos ang operasyon, nagpaalam si Tanja na sasagap lang ng sariwang hangin sa labas ng klinika. Subalit ayon kay Dr. Koenig, hindi na nagbalik ang babae. Isang oras siyang naghintay pero hindi na ito bumalik.

Kaya naisip ng doctor na ipalathala ang larawan ng babae na inoperahan niya ang suso. Nagpakalat din siya ng posters nito. Lubhang napakaganda ng pagkakagawa niya sa suso ng babae. Umaasa siya na sa paglalathala ng picture ay mahuhuli si Tanja at magbabayad sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DOKTOR

DR. KOENIG

DR. MICHAEL KOENIG

ELENA

ISANG

KAYA

LUBHANG

TANJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with