^

Punto Mo

EDITORYAL - Hinay-hinay na sa paggamit ng tubig

Pang-masa

NAGPAALALA na ang gobyerno sa publiko na magtipid na sa paggamit ng tubig dahil sa nakaambang pagtama ng El Niño sa bansa ngayong Setyembre na aabot hanggang sa unang bahagi ng 2016.

Sabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, nararamdaman na ang parating na tagtuyot dulot ng El Niño kaya kailangang magtipid sa tubig. Naka-handa na umano ang gobyerno at maraming options ang pinag-aaralan. Sinabi naman ni Coloma na hindi dapat mabahala ang mamamayan sa pagtama ng El Niño sapagkat nakahanda naman ang pamahalaan. Walang dapat ipag-alala ang mamamayan sapagkat sapat naman ang pagkain.

Madali namang paalalahanan ang mamamayan at susunod sila sa utos na magtipid sa paggamit ng tubig. Ang kailangan lamang ay magpakita ang pamahalaan ng halimbawa sa pagtitipid. Mas mahihikayat ang mamamayan kung makikita nila na mayroong ginagawa ang pamahalaan para makapagtipid hindi lamang sa tubig kundi pati na rin sa kuryente.

Ipag-utos ng Malacañang sa mga tanggapan ng gobyerno na magtipid sa tubig ang mga empleado. Ayusin ang mga tubong may leak. Karaniwan nang makikita sa mga tanggapan ng gobyerno na walang tigil ang pagtulo ng tubig sa mga gripo sapagkat sira ang mga ito. Umaapaw na ang mga nakasahod na drum at timba pero walang empleado na nagkukusang isara ang gripo.

Ipagbawal din sa mga opisyal ng gobyerno ang walang taros na paggamit ng tubig para sa paglilinis ng sasakyan. Karaniwang ang mga taong gobyerno na nag-aari nang maraming sasakyan ay araw-araw na naglilinis ng sasakyan. Gaano karaming drum ng tubig ang naaaksaya sa paglilinis ng mga mamahaling SUV?

Hinay-hinay din ang mga taong gobyerno sa pagdidilig ng kanilang imported orchids at iba pang mamahaling halaman. Pagbawalan din ang mga ma-yayamang taga-gobyerno sa madalas na pagpapalit ng tubig sa kanilang swimming pool.

Kailangang magpakita ng halimbawa ang pamahalaan sa pagtitipid para maging modelo ng samba-yanan. Kailangang makita ang kaseryosohan at hindi pakitang-taong pagtitipid.

ANG

ATILDE

AYUSIN

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

EL NI

GAANO

GOBYERNO

KAILANGANG

MGA

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with