^

Punto Mo

Sampaguita (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PARANG butil ng mais ang mutya,” sabi ni Lola Rosa kay Ram. “Ibinigay ko iyon kay Sam nang umalis patungong Maynila para maghanap ng trabaho. Bilin ko, ilagay niya sa bag at dala-dalahin kahit saan. Poprotektahan siya niyon.’’

“Saan po galing ang mga mutya Lola?’’

“Sa mga ninuno ko pa ‘yun. Nagpasalin-salin na. Nung panahon ng Hapon, iniligtas ng mutya ang aking ina. Gagahasain na ang aking ina ng isang Hapones pero biglang sumakit ang tiyan at nagsuka at nagtae ito. Hubad na raw ang Hapones nang sumuka at magtae. Nakatakas ang aking ina.’’

“Epektibo po pala ang mutya, Lola.’’

“Napakaepektibo. Pero para sa babae lamang ang mutya. Ang babae kasi ay malapit sa panganib kaya sila lamang ang dapat mag-ingat. Suwerte rin ang mutya sa paghahanap ng trabaho.’’

“Napakahusay nga pala ng mutya.’’

“Kung makakausap mo si Sam ay sabihin mong ingatan ang mutya.’’

“Opo Lola Rosa, sasabihin ko po sa kanya.’’

“Kaibigan ka ba ni Sam o nobyo? Sa tingin ko e nobyo ka niya ano?”

Hindi makasagot si Ram. Paano kaya nalaman ni Lola Rosa? Marunong din sigurong manghula ang matanda.’’

Umamin na si Ram sa matanda.

“Nobyo nga po ako ni Sam, Lola.’’

“Sabi ko na nga ba. Pero mabait ka at malinis ang kalooban. Ikaw ang dapat mapangasawa ni Sam.’’

“Kahit po mayroon na siyang ibang nagugustuhan?’’

“Ang mutya ang magmumulat sa kanya. Magtiwala ka.’’

“Salamat Lola. Aalis na po ako. Kailangan pong makabalik agad ako sa Maynila.’’

“Sandali Ram,’’ sabi ng matanda at may kinuha sa bulsa. Dalawang maliliit na bato na sinlaki ng mais. “Itago mo ang mga ‘yan. Mabisang protek-siyon sa panganib.’’

“Salamat Lola. Aalis na po ako!”

NANG mga sandaling iyon ay nadala na ni Levi sa kanyang rest house sa Cavite si Sampaguita. Wala pa ring malay ang dalaga.

Pinagmamasdan siya ni Levi. Pinaplano ang gagawin kay Sam.

Paliligayahin kita Sam at pagkatapos ay babay! He-he-he! (Itutuloy)

AALIS

ACIRC

ANG

HAPONES

LOLA

LOLA ROSA

MAYNILA

MUTYA

OPO LOLA ROSA

PERO

SALAMAT LOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with