^

Punto Mo

Mga tanong sa paggamit ng condom (Part 2)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

SA pagtaas ng kaso ng HIV infection sa bansa, makabubuting tingnang muli ang praktis ng paggamit ng condom (kung hindi tiyak sa sexual/health history ng taong katalik.) Heto ang ilang tanong na makatutulong sa inyo para higit n’yong maunawaan ang be-nefits ng paggamit ng condom. Tandaan na hindi nilikha ang mga condom para maging promiscuous (pakikipagtalik kung kani-kanino) tayo kundi para protektahan ang sarili sakaling malagay sa sitwasyong hindi maiiwasan.

Makakatawid ba ang HIV virus sa condom?

Hindi. Ang mga condom na yari sa latex rubber, polyurethane o polyisoprene ay ligtas gamitin lalo na kung tama ang pagkakagamit. Mapipigilan nito ang paglipat ng HIV virus sa taong katalik sakaling positibo sa naturang virus ang semilya ng kapartner. At hindi lang HIV infection ang hinahadlangan nito kundi iba pang sexually transmitted infections gaya ng tulo (gonorrhoea), syphilis, Chlamydia, herpes, at iba pa. Ipinapayo ring huwag gumamit ng oil-based lubricants (pampadulas) kapag naka-condom sapagkat puwede nitong mabutas ang condom. Gumamit lamang ng mga water-based na pampadulas gaya ng KY jelly.

Kasya ba ang condom sa lahat ng lalaki?

Does it fit all sizes? Nababanat naman ang condom (stretchable) kasi’y gawa nga ito sa rubber o plastic. Kaya kaya nitong i-accomodate ang kahit anong size. Pero may mga nagsasabing masyadong maliit sa kanila o masyadong mahigpit ang condom. Meron namang available na “large” na condom sa merkado pero dahil dapat ay mahigpit itong nakasuot sa ari, mas makabubuting gumamit ng condom na regular-sized.

Nababawasan ba ang nararamdamang sensation kapag nakikipagtalik kung nakasuot ng condom?

Well, nag-iiba-iba ito depende sa tao. May mga taong may discomfort dito sapagkat pansamantala nitong naaantala ang pakikipagtalik dahil kailangang isuot ang condom. Gayundin, may mga nagsasabing nababawasan ang kanilang sensitivity kapag nakasuot nito. Sa kabilang banda, may mga taong mas nasisiyahan kapag mayroon nito sapagkat nababawasan ang kanilang alalahanin na makabuntis sila o mahawa sila ng HIV infection at iba pang sexually transmitted infections. Sa iba, ang paggamit ng condom ay lalong nagpapatagal pa sa taglay nilang erection.

Kailangan bang gumamit ng condom kapag gumagawa ng oral sex o anal sex?

Oo. Mas makabubuting gumamit ng condom sapagkat puwedeng mailipat ang mga  sexually transmitted infections sa pamamagitan ng oral, vaginal, o anal sex. Ang anal sex ay maituturing na high-risk activity lalo na sa taong “recipient” kumpara sa vaginal sex sapagkat mas madaling masugatan o magdugo ang mga tissues sa rectum (remember, mas stretchable  ang loob ng vagina kaysa sa rectum). Kapag nangyaring nasugatan ang taong recipient at nagkataong positibo sa HIV virus ang isang tao, agad niyang maililipat sa blood circulation ng recipient ang naturang virus. Kaya anumang pagtatalik na involved ang sinasabing anal sex ay dapat may gamit na condom. 

 

ACIRC

ANG

CHLAMYDIA

CONDOM

GAYUNDIN

GUMAMIT

HETO

HIV

KAYA

MGA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with