12 food rules
Mas mainam kainin ang mga pagkaing napapanis kapag naluma na. Ang mga pagkaing ganoon ang walang preservative.
Natural sweets lang ang kakainin kagaya ng sweet fresh fruits.
Huwag kumain ng breakfast cereals na humahawa ang kulay sa gatas.
Mas mainam kumain ng brown sugar, brown rice, brown bread kaysa “white counterpart nito”.
Kumain lang kapag nagugutom at hindi kung naiinip o nalulungkot lang
Huwag magpapakabusog. Itigil ang pagkain kapag nawala na ang nadaramang gutom.
Ugaliing kumain sa dining table at hindi sa harapan ng TV.
Iwasan ang pagkaing may fructose syrup dahil tanda ito na ang pagkain ay highly processed food.
Kung diretsong nagmula sa halaman o puno, kainin mo ngunit kung hindi, iwasan ito.
Huwag kainin ang pagkaing gumamit ng 5 ingredients na (nakalista sa package) hindi mo naiintindihan ang ibig sabihin at hindi mabigkas nang wasto.
Tandaan kapag namimili sa supermarket, ang fresh na pagkain ay malapit sa storage room. Dito nanggagaling ang fresh meat at vegetables na ipinapasok sa selling area ng supermarket.
Ang processed foods na may preservative ay malayo sa storage room.
- Latest