^

Punto Mo

EDITORYAL – Hindi kailangang magtrapik ang MMDA chairman

Pang-masa

SA halip na purihin si Metro Manila Development (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa ginawang pagtatrapik kahapon, nilait pa siya at sinabihang huwag akuin ang trabaho ng kanyang mga tauhan. Ang ginawang pagmamando ni Tolentino sa trapik ay nangyari makaraan ang ilang linggo nang mabigat na trapik na nararanasan sa maraming  lansangan sa Metro Manila. Nagngitngit ang marami (maski ang netizens) at pati iba’t ibang grupo ay hindi nakatiis at sinabihang magbitiw na si Tolentino sa puwesto kung hindi maisasaayos ang perwisyong trapik.

Mabigat ang nararanasang trapik sa Metro Manila. Ang bumibiyahe sa EDSA ay nagtitiis ng tatlong oras na trapik bago makarating sa kanilang destinasyon. Dati, kalahating oras lang ang itinatagal ng biyahe sa bus mula North EDSA hanggang Makati pero ngayon ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras. Marami ang nakakaltasan sa kanilang sahod dahil sa sobrang late sa trabaho.

Ayon naman kay Tolentino, masikip ang trapiko dahil sa mga ginagawang construction gaya ng Skyway, SLEX-NLEX connector at iba pa. Ayon pa rin kay Tolentino, sobrang dami ang sasakyan ngayon pero hindi naman nadadagdagan o naluluwangan ang mga kalye.

Sabagay may katwiran si Tolentino at matatanggap ang kanyang paliwanag kaysa naman kay Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya na nagsabing hindi naman nakakamatay ang trapik.

Bilyong piso ang nasasayang sa trapik at kung hindi makagagawa ng paraan ang MMDA, araw-araw ay malaki ang nawawala sa kaban ng bansa. Maaari namang paluwagin ang EDSA kung magseseryoso ang MMDA. Hulihin ang mga bumabalagbag na bus sa EDSA, walisin ang mga naka-park na sasakyan sa mga pangunahing kalsada, tutulan ang pagbubungkal ng DPWH lalo kung panahon ng tag-ulan at maglagay ng mga matitino at hindi korap na MMDA traffic enforcers.

Hindi naman mahirap gawin ang mga ito. Hindi na rin kailangang magtrapik si Tolentino. Ang nakikitang problema, busy na si Tolentino sa pangangampanya para sa 2016 elections kaya napapabayaan ang pagsasaayos ng trapiko.

ANG

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HINDI

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT

MGA

TOLENTINO

TRANSPORTATION SEC

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with