^

Punto Mo

Humahataw ang tong collectors ng PNP!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HATAW sa ngayon ang mga tong kolektor ni Calabarzon director Chief Supt. Richard Albano at mukhang naaamoy na nila ang bagyong dulot ni alleged kidnap gang leader Rolando Fajardo. Binago ang mga tong collectors ni Albano at pinahihirapan nila ang mga players na abot-langit na ang pagsusumpa sa kanila. At habang umaatake na parang Doberman itong mga bataan ng bagman na sina Atty. Gerry Asuncion at Ryan Bacardo ang nasisira ay ang kampanya ni PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez laban sa dirty cops. Mahigit isang buwan na itong si Marquez sa trono niya subalit ang pangako n’yang kampanya ay napako. Boom Panes! Hehehe! Nabola lang ang sambayanan, di ba mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na ang gamit nina Asuncion at Bacardo sa ngayon sa Laguna ay ang STL bookies operator na si alyas Tita at Russel Caratian. Ang tagadampot nina Tita at Caratian ay si Greg Oruga. Sa Batangas naman ang gamit ni Bacardo ay sina alyas Gerry at Dhong V., at sa Cavite ay si Paquito Chan habang sa Rizal ay si Popong Reyes. Sa Quezon naman ang gamit ni Asuncion ay si ret. SPO2 Freddie Rey. Nasibak na si Tony Villa-cuarta…este Villacorta dahil mukhang nasuba niya si Albano, di ba mga kosa? Hehehe! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Teka pahabol lang! Hindi lang si Albano ang masaya sa Calabarzon kundi maging ang regional officer ng CIDG na si Supt. Arthur Bisnar na ang gamit na tong kolektor ay ang bata n’ya na si Jun Osias. Naririnig mo na ba ang pangalan na Jun Osias, Cavite PD Sr. Supt. Ely Cruz Sir? Boom Panes!

Kung sabagay, hindi lang sa Calabarzon humahataw ang mga tong collectors sa ngayon kundi maging sa NCRPO at sa CIDG sa Camp Crame. Dahil bagong upo si CIDG director Chief Supt. Victor Deona, aba umiikot na rin ang tong collectors niya sa pamumuno ni alyas Manong at ibinabando na ang grupo na sila ang nabigyan ng blessings para mag-ikot sa mga ilegalista. Noong Huwebes ay kinausap nina Manong sa Luxent Hotel sa Timog, sa harap ng Hollywood Disco, ang lahat nang players sa Quezon City at buong araw silang nag-antay para hindi masayang ang araw nila. Ang tumawag sa players ay si alyas Jun Pulo, na isang kagawad sa Quezon City, at gamit ang cell phone number na 09177661578. Ang mga alipores ni Manong ay itong sina Clyde Fernandez, na dating jueteng operator sa Pangasinan; George Bueno, na may-ari ng maraming beerhouses sa Quezon City at si Romy Tolentino. Sa Calabarzon, ang gamit ni Manong ay si William Cajayon, SPO4 Chan at SPO4 Adlawan. O hayan Gen. Deona Sir, mayroon ka ng datos para habulin si Manong at mga bataan niya na yumuyurak sa pangalan mo. Hehehe! ‘Yan ay kung walang basbas mo ang tropa ni Manong, di ba mga kosa! Tumpak!

Sina QCPD director Chief Supt. Edgardo Tinio at EPD director Sr. Supt. Elmer Jamias naman ay binisita ng tong collectors na nagprisinta ng bid nila sa kanilang weekly payola. Hindi pa nga uminit ang puwet ni Tinio at dinalaw na s’ya nina alyas William Cajayon, alyas Brillantes at alyas Popoy para magserbisyo sa kanila at ang lumutang kay Jamias ay itong sina alyas Nory, Boy Melendres at Jun Milan. Ano ba ‘yan? Mukhang hindi na matapus-tapos itong bidding ng weekly payola para sa mga top officials ng PNP ah? Boom Panes! Hehehe! Sino ang nagwagi? Monitoring tayo mga kosa!

Kaya lang habang namamayani ang bidding system sa PNP, ang napeperhuwisyo ay hindi lang ang mga amo ng mga tong collectors, kundi maging ang imahe ng police organization. Sa unang bulusok ni Marquez bilang PNP chief ay wait ang see ang attitude ng police officials natin dahil sa sobrang ganda ng mga katagang namumutawi sa bibig niya. Puro laway lang pala. Abangan!

ALBANO

ALYAS

ANG

BOOM PANES

CALABARZON

CHIEF SUPT

HEHEHE

JUN OSIAS

MANONG

MGA

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with