^

Punto Mo

Sampaguita (137)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KUNG bakit hindi tumatawag o nagti-text si Ram kay Sam ay dahil  kay Sir Manuel. Si Sir Manuel mismo ang nagpayo kay Ram na huwag  na munang makipag-communicate kay Sam.

Ginawa ni Sir Manuel ang pasyang iyon makaraang malaman kay Viring na nagbabago na si Sam at tila nahuhumaling na kay Levi. Iginalang naman ni Ram ang pasya ng matanda.

“Kung yan po ang gusto mo, Sir Manuel, susundin ko.’’

“Salamat, Ram. Alam ko, mahirap para sa iyo ang naisip kong ito pero makikinabang ka rito. Saka ko na lang ipaliliwanag kung bakit.’’

“Kailangan po bang bumalik pa ako sa bahay?’’

“Huwag na! Magpapadala na lamang ako ng bagong drayber-bodyguard doon. Sila ang magmamanman kay Levi, Malakas ang kutob ko, mayroong binabalak si Levi para sa akin.’’

“Bakit po Sir Manuel, alam na ba ni Levi na ikaw ang nagplano ng paghihiganti?’’

“Palagay ko, alam na niya. Tuso ang taong iyon. Lahat ay maaari niyang malaman. At kung nalaman niya na ako ang nasa likod nito, palagay ko hindi lamang ako ang sisirain niya kundi pati na rin si Sam.’’

“Delikado po pala si Sam kung ganoon.’’

“Delikado talaga, Ram. Pero kung delikado si Sam, mas delikado ang buhay ko. Ako ang uunahin niya. At alam mo, nag-research na ako tungkol kay Levi. At natuklasan ko, marami siyang kontak na mga criminal para itumba ang mga may atraso sa kanya at sa sinumang gusto niyang burahin.’’

Mangha si Ram sa pagkatao ni Levi. Ganito pala kasama si Levi. Pero kung namangha siya kay Levi, mas namangha siya kay Sir Manuel dahil sa husay nitong mag-analyze sa pagkatao ni Levi, Mabilis nalaman ang mga mahahalagang bagay kay Levi.

“Alam mo ang natuklasan ko pa kay Levi, ang kontak niya ay nasa isang lugar sa Makati   na mahirap daw hanapin.’’

“Anong lugar po Sir Manuel?’’

“Varona.”

“Varona po?”’

“Oo. Saan ba yun?’’

“Malapit lang po sa aming tirahan yun sa Bgy. Tejeros.’’

“Talaga. A oo nga pala sa Tejeros ka nga pala nakatira. Dun ko hinatid si Sam nun.’’

“Malapit lang po sa amin yun, Sir Manuel,’’

“Mabuti kung ganoon. Baka may ipagawa ako sa’yo. Kayang-kaya mo naman ito. Gusto kong matiyak kung may mga kontak nga si Levi sa Varona.’’

“Gagawin ko po, Sir Manuel.’’

“Salamat. Malakas ang kutob ko, may binabalak na sa akin si Levi.’’

“Okey po Sir Manuel. Susundin ko ang utos mo at ang payo mo na huwag muna akong makipagkita kay Sam.’’

“Good boy!’’

 

SAMANTALA, may bagong nalaman si Viring kina Sam at Levi. At problemado si Viring kung paano makokontak si Ram para ipaalam ang nangyayari sa dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

KAY

KUNG

LEVI

MANUEL

SAM

SIR

SIR MANUEL

VARONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with