^

Punto Mo

‘Over acting’ ka ba sa pagtulong?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY mga taong likas na matulungin. Lagi siyang nakasaklolo sa mga kaibigang nasa gitna ng problema. Parang rescue 911, “on call” siya sa loob ng 24 oras. Super rescuer pa nga! Dadaigin ang staff ng rescue 911. Pero mag-ingat dapat ang mga super rescuer na ito. Baka sa katutulong sa kapwa ay sila naman ang maubusan ng lakas at pagsapit ng panahong kakailanganin niya ang lakas para sa sariling problema ay wala na silang maibigay. Ilagay nila sa tamang perspective ang pagtulong. Sukatin ang “urgency” ng sitwasyon. Baka naman nawawala lamang ang alagang pusa ng kaibigan ay super saklolo kaagad si Rescuer. O, kaya, sa sobrang matulungin ay sinasalo na pala ni Rescuer ang trabahong dapat sana’y responsibilidad ng kanyang tinutulungan. Hindi alam ni Rescuer, tinuturuan niyang maging iresponsable ’yung tao.

Ayon sa mga psychologist, ang “over acting” na pagtulong sa kapwa ay nakalilikha ng hindi balanseng relasyon, kung saan si Rescuer ang “lugi” sa relasyon. Resulta nito: Ang taong laging tinutulungan ay nagiging pala-asa at nagkakaroon ng feeling na responsibilidad ni Rescuer na alalayan siya lagi. At siya pa ang may ganang magtampo kapag hindi kaagad nasaklolohan ni Rescuer.

Sagutin ng true or false ang mga sumusunod na katanungan upang malaman kung “over acting” ka sa pagtulong sa kapwa:

1.  Ako ang inuutusan ng aking “boss” kapag deadline ng trabaho.

2.   Naiinis ako kapag hindi napansin ang aking effort.

3.   Karamihan sa aking mga kaibigan ay tamad o pabaya.

4.   Kapag maysakit sa pamilya, ako ang inaasahang kikilos para tumawag ng doktor.

5.  Naniniwala ako na walang limitasyon ang pagtulong sa kaibigan. I’m on call 24/7.

6.   Madalas magulo ang aking schedule dahil sa last minute appointment sa mga kaibigang humihingi sa akin ng tulong.

7.  Mabilis akong maapektuhan ng mga balitang aking nababasa o napapanood tungkol sa mga krisis at kalamidad.

*Over acting ka sa pagtulong kung apat o higit pa ang iyong sagot na TRUE.

ACIRC

ALIGN

ANG

AYON

DADAIGIN

LEFT

MGA

NBSP

QUOT

RESCUER

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with