Sampaguita (125)
“LEVI!’’
Nasabi ni Sampaguita nang makita ang lala-king nagligtas sa kanya sa dalawang magnanakaw.
“Nasaktan ka ba, Sam?’’
“Ang paa ko! Hinaltak ng mga magnanakaw. Mabuti at dumating ka Levi. Mara-ming salamat. Maraming salamat!’’
“Walang anuman, Sam.’’
“Narinig mo ba ang sigaw ko Levi at mabilis kang nakapunta rito?’’
“Oo. Alam mo bang nasa roof top ako kanina nang marinig ko ang sigaw mo. Nakita ko ang dalawang magnanakaw na may hinahabol. Naalarma ako.’’
“Hinabol nila ako nang maabutan kong sinisira ang pintong yun!’’
“Mabuti at hindi ka binaril! Nakita ko may baril sa tagiliran ang mga magnanakaw.’’
“Hindi mo sila nahuli Levi?’’
“Biglang nawala sa dilim. Umakyat sa pader. Mayroon silang dalang hagdan kaya nakapasok dito.’’
“Kaya pala mabilis silang nakapasok. Nagising na lamang ako na may ingay na nanggagaling dito.’’
“Masakit ba ang paa mo. Aalalayan kita, Sam.’’
Inalalayan ni Levi si Sam. Hanggang makatayo ang dalaga.
‘‘Masakit Sam.’’
‘‘Medyo pero kaya ko naman.’’
“Dadalhin kita sa ospital at baka kung napaano ’yan.’’
“No. Huwag na. Kaya ko pa Levi.’’
“Okey.’’
“Delikado rin pala rito kahit mayamang subdibisyon. May mga nakakapasok na magnanakaw.’’
“Dapat sisihin ang guwardiya. Baka kasapakat ang guwardiya.’’
“Baka nga. Pero sa sunod na pumasok uli rito ang mga magnanakaw, baka gamitin ko na ang baril para tumigil na sila. Kailangang maipagtanggol ka, Sam.’’
Nasiyahan si Sam sa mga sinabi ni Levi. Malaki ang utang na loob niya sa taong ito. Niligtas siya sa kapahamakan.
‘‘Sigurado ka hindi mo kailangang maospital, Sam?’’
‘‘Oo, Levi. Okey lang ako. Salamat.’’
(Itutuloy)
- Latest


















