^

Punto Mo

‘Pumuti na mga mata!’

- Tony Calvento - Pang-masa

GINAWA mo na parte mo. Maayos naman kayong nagkasundo Ano pa ba kailangan para tumupad sila. Pagod na kami sa kahihintay,

“Binuo namin ang pera para makauwi ang asawa ko. Ang nangyari hindi naman kami pinapansin,” ayon kay Emmanuel.

Isang pitong taong gulang at limang taong gulang ang anak nina Emmanuel Hermosa at ang asawang si Eunice Clamares.

Isa ito sa nagtulak kay Eunice upang maghanap ng trabahong mas malaking kita.

Nakapagtapos ng kursong ‘Education’ si Eunice ngunit hindi nito nagamit ang pinag-aralan upang makakuha ng maayos-ayos na trabaho.

Kwento ng kanyang kinakasamang si Emmanuel, hindi pa daw nakakakuha ng ‘board exam’ si Eunice. Hindi daw kasi nito nakuha ang ‘Transcript of Records’ sa unibersidad na pinasukan sa Masbate.

“Namasukan siya bilang kasambahay dito sa Maynila. Gustung-gusto niyang makakuha ng trabahong mas malaki ang sahod,” ayon kay Emmanuel.

Nagtutulungan silang dalawa sa gastusin sa bahay, bilang guwardiya hindi din naman ganun kalaki ang kinikita ni Emmanuel. Bata pa ang kanilang mga anak kaya’t marami itong panga­ngailangan.

May isang kaibigan si Eunice na hinikayat siyang mag-apply sa Ortiz Agency Employment Inc. ‘Domestic Helper’ sa Malaysia ang iniaalok na trabaho sa kanya. Ang sahod Php18,000 kada buwan.

Ika-12 ng Hunyo 2015 nang umalis ng bansa si Eunice.

Pagdating daw doon lahat ng trabaho kay Eunice nakaatang. Malaking bahay ang araw-araw niyang nililinis. Kapag hindi pa daw tapos ang trabaho ay hindi pa siya pwedeng kumain.

“Tatlong beses naman siyang nakakakain pero wala sa oras. Kailangan matapos niya muna ang lahat,” sabi ni Emmanuel.

Hindi din daw natutupad ang pinangakong sahod dahil Php14,000 lang ang binabayad sa kanyang asawa.

Ilang linggo lamang ang nagdaan hindi na kinaya ni Eunice ang bigat ng trabaho. Ipinaalam niya kay Emmanuel na gusto na niyang umuwi.

“Pagdating daw ng weekends madami siyang kailangang asikasuhin kaya naman walang tigil ang trabaho,” ayon kay Emmanuel.

Nagsadya sa agency si Emmanuel upang hili­nging pauwiin na lamang ang misis. Ayon sa kanyang nakausap kailangan daw niyang magbayad ng Php40,000 bilang ‘placement fee’.

Hindi daw kasi nito tinapos ang kontrata at wala itong binayaran kahit na ano nang umalis. Kasama na din daw dito ang bayad sa tiket nito pauwi.

“Sinabi ko sa kanila na maghahanap ako ng pera para mabuo ang hinihingi nilang pera. Binabaan nila ng Php23,000,” salaysay ni Emmanuel.

Naghagilap siya ng pera sa kagustuhang mapauwi na ang misis. Nang mabuo niya ang pera nagtungo siya sa tanggapan ng Ortiz Agency.

“Sabi nila hintayin ko na lang daw. Tatawagan daw nila ako kung ano ang mangyayari,” wika ni Emmanuel.

Hintay ng hintay sina Emmanuel ngunit hindi naman tumatawag ang ahensiya. Kapag pinupuntahan daw niya sa opisina ang ahensiya ay hindi naman siya inaasikaso at pinapansin.

Nagpasiya nang hu­mingi ng tulong sa amin si Emmanuel dahil  namamaga na ang kamay ng kanyang asawa  sa kakatrabaho’. Wala raw kasiguraduhan ang tulong na inilalapit nila sa ahensiya.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang mga ahensiya ang sinisingil lamang dapat nila bilang placement fee ay hindi lalampas sa isang buwang sahod ng isang OFW.

Nakahanda namang magbayad ang pamilya ni Eunice mapauwi lamang ang kanilang mahal sa buhay. Ngayong nabuo na nila ito hindi na sila papansinin?

Nagmistulang bulag ang kinakasama ni Eunice kung anong mangyayari sa inilalapit niya sa ahensiya.

Hindi na din nila poproblemahin ang pagbabayad ng tiket sapagkat sasagutin naman ito ng pamilya. Upang matulu­ngan sina Eunice at Emmanuel ini-email namin kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng impormasyon kay Eunice.

Agad namang nakipag-ugnayan sa ating embahada si Usec. Seguis upang malaman kung paano matutulungan si Eunice.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari rin po nin­yong i-like ang www.face book.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

ANG

DAW

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOMESTIC HELPER

EMMANUEL

EMMANUEL HERMOSA

EUNICE

HINDI

KAY

NAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with