MRT bus, tuloy kahit ‘nilalangaw’
Pinanindigan ng LTFRB ang kanilang MRT bus project sa pagsasabing plano nila itong ipatupad hanggang sa Hunyo 2016.
Hindi lang yan. bukas din daw sila sa planong payagan ang mga MRT bus na bumiyahe sa gabi.
Ito na ay sa kabila ng maraming batikos na kanilang natatanggap buhat sa mga commuters group na nagsabing nakakadagdag sa masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa ang mga bus na ito.
Ang mga bus na ito, ay mga coding sa araw na sila ay bibiyahe bilang mga MRT bus.
Lalo umanong nakadagdag sa trapik ang sinasabing mga MRT bus na hindi naman masyadong tinatangkilik ng mga loyal na pasahero ng tren.
Kahit pa nga daw sabihin na grabe ang haba ng pila sa MRT at kahit pa madalas ang aberya nito , eh mukhang hindi nababawasan ang mga sumasakay dito sa araw-araw kundi lalo pang nadadagdagan.
Ito nga ay dahil sa alam nilang kalbaryo ang aabutin nila dahil sa matinding trapik sa Edsa.
Ang tagal nila sa pila, mas mabilis naman ang kanilang maibibiyahe kapag nakasakay na sila, kumpara sa bus na nakasakay ka nga, maghihintay pa rin daw itong mapuno bago tumulak at pagbumiyahe na gapang o usad pagong ang takbo dahil sa matinding trapik.
Dapat ding matutukan dito ng LTFRB, ang haba ng may 40 bus sa mga inilaan nilang terminal kung kaya ang mga bumibiyaheng ibang bus, ‘nagbubuntis ‘ sa mga lane na siyang lalong nagdudulot ng trapik.
Ngayon pati sa gabi plano nilang magpabiyahe ng MRT bus na lalong idinadaing na ng maraming commuters.
Tagalang ang dapat na matutukan muna dito ay maiayos ang matinding trapik sa Edsa sa araw-araw, pangalawa ay ang pagpaparami ng mass transport na siyang alternatibo ng mga mananakay para makaiwas sa matinding trapik.
Lalo na nga’t nag-uulan sa mga panahong ito na isa pa sa nakadagdag sa matinding trapik.
Nagmimistulang malaking parking ang Edsa na tila hindi na talaga masolusyunan ng mga kinauukulan.
- Latest