^

Punto Mo

‘Tuyong palad’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG benepisyo ay tulad ng alkansiyang hinuhulugan para kapag gipit ka na ay mayroon kang magamit kapag kapos ka na.

“May kaltas sila sa pay slip namin pero nung magberipika ako wala naman palang nahuhulog,” ayon kay Marves.

Kasalukuyang may sakit si Marves Arenes na taga Valenzuela kaya’t lahat ng bagay na mapagkukunan niya ng pampagamot ay pinahahalagahan niya.

Ang benepisyo na hinuhulugan niya noong nagtatrabaho siya ay inaasahan niyang mapakinabangan sa ganitong pagkakataon.

Kwento ni Marves nagsimula siyang magtrabaho sa Better Business Linkages sa Timog, Quezon City noong ika-19 ng Agosto 2014.

“Sa sahod ko may kaltas na kaagad para sa kontribusyon namin sa Philhealth at SSS,” ayon kay Marves.

Halagang Php112.50 ang nababawas sa kanya para sa Philhealth habang Php327.00 naman sa Social Security System (SSS).

Maayos naman ang naging trabaho dun ni Marves ngunit nang malaman niyang may sakit siyang Tuberculosis ay napagpasyahan na niyang magbitiw sa kanyang tungkulin noong Enero 2015.

Nagpunta din siya sa opisina ng SSS upang alamin kung anong benepisyo ang kanyang makukuha para makatulong sa kanyang pagpapagamit.

“Binigyan ako ng slip na nagsasabing walang hinulog ang kompanya. Ganun din ang lumabas sa Philhealth,” wika ni Marves.

Pinayuhan din daw siya ng SSS na sabihin sa kanyang ahensiya na walang hulog ang kanyang mga benepisyo. Sinabihan daw siyang maaayos na ito sa loob ng isang buwan.

“Nung tingnan ko ulit wala pa ring nagbago. Walang hulog ang SSS ko,” pahayag ni Marves.

Palagi daw siyang pinapaasa ng kanilang ahensiya ngunit hindi naman nareresolba ang    problema. Ang ilan sa kanyang kasamahan ay nagsampa na ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang mapadali ang pagbawi ng kanilang mga hinulog.

“Kung hindi naman nila maaayos ‘yan ibalik na lang nila ang pera ko para magamit ko sa pagpapagamot,” sabi ni Marves.

Pati daw ang dalawang araw niyang sahod ay hindi pa naibibigay sa kanya. Pangako ng ahensiya tatawagan na lamang siya kapag ayos na ang lahat.

Tulad ni Marves ang isa din sa lumapit sa aming tanggapan ay si Elsie Tulio. Tungkol naman ito sa pensiyon ng kanyang ina na si Teofila Tulio.

“Namatay na ang papa ko kaya nalipat na sa nanay ko ang pensiyon. Kasalukuyan siyang may bone fracture sa kanang bewang,” kwento ni Elsie.

Hirap daw sa paglalakad ang kanyang ina kaya napagpasyahan niyang mag-file ng ‘guardianship’ para dito.

Ikaanim ng Nobyembre 2014 nang padalhan sila ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP). Kailangan daw nilang magreport sa SSS Zabarte Branch bago mag Pebrero 2015.

“Sinamahan ko ang nanay ko sa opisina ng SSS noong Disyembre 11, 2014 para sa kompirmasyon,” ayon kay Elsie.

Nitong Mayo 2015 ay humingi daw ng sketch ang SSS papunta sa bahay nila. Mula nun laging nagpa-follow up si Elsie ngunit sinasabi sa kanilang sa ‘head office’ na lang daw sa Diliman, Quezon City mag-follow up.

Hanggang ngayon ay wala pa din daw natatanggap si Teofila na pensiyon mula sa SSS. Inaalala naman ni Elsie na nahihirapan na sa pagbiyahe ang kanyang ina at kailangan nito ang pensiyon para makatulong sa ilang gamot nito sa araw-araw.

“Sana po matulungan ninyo kami katulad ng ibang natulungan ninyo. Gumagalang at nagpapasalamat. Elsie Tulio.”

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa unang tampok natin na si Marves hindi sakop ng NLRC ang tungkol sa paghuhulog sa SSS sapagkat may sarili ng batas ang SSS. Ito ay ang SSS Law o ang RA 8282. Ipapaalam namin sa SSS na hanggang ngayon ay hindi pa gumagawa ang ahensiya ng kahit na anumang aksiyon upang maresolba ang inyong problema.

Magtungo ka din sa Public Attorney’s Office (PAO) upang magabayan kang magsampa ng kaukulang kaso laban sa ahensiya sapagkat pinapaniwala ka na ang kinakaltas sa sahod mo ay napupunta sa mga benepisyong dapat mong matanggap.

Ang tungkol naman kay Elsie kasalukuyan na kaming nakikipag-ugnayan sa SSS Main Office upang malaman kung may kulang lang ba kayong dokumento na kailangang ipasa o kung ano na ang lagay ng pensiyon ng iyong ina.

‘Retroactive’ naman ang mga pensiyon, lahat ng buwan na hindi kayo nabigyan ay babayaran ng SSS sa inyo.

Nagkaroon lamang ang SSS ng problema sa kanilang system kaya’t sa mga susunod na araw ay malalaman na natin ang solusyon sa inyong mga problema.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ANG

DAW

ELSIE

ELSIE TULIO

KANYANG

MARVES

NAMAN

PARA

PHILHEALTH

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with