^

Punto Mo

Sampaguita (109)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINADYA ni Sampaguita na huwag gamitin ang doorbell. Kumatok lang siya sa gate ng bahay ni Levi.

Subalit nakailang katok na siya ay wala pa rin siyang nararamdamang lumalapit sa gate para buksan iyon. Mayroon kayang maid o boy si Levi? Kung may maid o boy, sana ay may nagbukas na agad sa kanya. Baka naman hindi naririnig kapag nasa loob? Baka makakapal ang dingding ng bahay at sound proof. Ang mga usong bahay ngayon ay hindi naririnig ang anumang ingay sa labas. Kahit ang kahol ng aso ay hindi marinig.

Inulit muli niya ang pagkatok. Kinalabog na talaga niya ang gate para marinig ni Levi. Baka naman natutulog kaya hindi naririnig ang katok.

Makalipas ang ilang minuto ay may narinig siyang mga yabag na papalapit. Napangiti siya. Maaaring si Levi na ang paparating.

Narinig niya ang pag-aalis ng kandado sa bakal na gate. Mukhang malaki ang kandado dahil lumikha ng ingay.

Hanggang sa unti-unting bumukas ang isang bahagi ng gate at sumungaw doon si Levi. Tama siya sa hula! Si Levi nga ang magbubukas para sa kanya. Mukhang walang maid o boy.

“Sam! Ikaw nga ba? Hindi ba ako nananaginip lang?’’

“Sorry kung nagambala kita. Mayroon lang akong mahala-gang itatanong. Maski dito na lang tayo mag-usap.’’

“Sure! Pero dito tayo sa loob. Ayaw kong nakatayo ang aking magandang bisita. Halika Sam, tuloy ka! Tuloy!’’

Pumasok si Sam. Pero habang naglalakad papasok ay nakikiramdam kay Levi. Naalala niya ang sinabi ni Sir Manuel na marami itong alam para maging madali ang pagkuha sa babae.

Narating nila ang main door. Bantulot si Sam pero inanyayahan siya ni Levi.

“Pasok ka Sam. Huwag kang mahiya.’’

“Puwedeng dito na lang sa may pinto?’’

“Sam, hindi ako tumatanggap ng bisita sa may pintuan. May pamahiin ako na hindi dapat nag-uusap sa may pintuan sapagkat mawawala ang grasya o suwerte. Hindi papasok ang suwerte sa bahay dahil nakaharang sa may pintuan.’’

Napata-ngu-tango si Sam. May pinaniniwalaang pamahiin ang hayup pero sa pagsira ng puri ng mga anak ni Eba ay walang awa at kinikilala.

Pumasok si Sam sa pinto. Bumulaga ang malawak na salas na may mga mamahaling kasangkapan. Kung hindi nagkakamali si Sam, pawang imported ang mga gamit sa loob. Napakayaman nga ni Levi. Totoo ang sinabi ni Sir Manuel na parang sumasalok ng pera si Levi. Mukhang nakahiga sa salapi ang taong ito. Lahat ay maaaring bilhin.

“Maupo ka Sam.’’

Naupo si Sam sa sopa. Parang balahibo ng tupa ang naupuan niya. Superlambot!

“Anong drinks mo Sam --- juice, coffee or red wine?’’

“No, thanks. Katatapos ko lang mag-juice.’’

“Cookies o brownies.’’

“Thanks, busog pa ako.’’

Nagkatinginan sila. Napansin ni Sam na halos wala siyang naririnig na ingay mula labas. Parang nasa loob sila ng isang bahay na nasa ilalim ng lupa.

Maaaring totoo ang hula niya na sound proof ang bahay. Ito ang dahilan kaya hindi agad siya narinig ni Levi.

Gumapang ang kilabot kay Sam. Kung sound proof ang bahay na ito, paano siya sisigaw sakali’t may gawin sa kanya si Levi? Kahit magsisigaw siya rito hindi siya maririnig ni Ram.

Mali yata ang hakbang niya. Mukhang siya ang nabitag ni Levi. Tama si Sir Manuel na maraming alam na paraan si Levi. Dapat pala hindi nga siya pumasok at sa labas na lang ng bahay nakipag-usap.

Ganunman, hindi nagpahalata si Sam. Nakipagkuwen-tuhan siya kay Levi. Hindi siya kinakitaan ng takot.

Kapag may gagawin sa kan­ya si Levi ngayon, kailangang makaisip siya ng pa­raan kung paano la­labas. Hin­di siya mabibiktima ni Levi! (Itutuloy)

 

ACIRC

ANG

BAHAY

HALIKA SAM

HINDI

KAHIT

LEVI

MUKHANG

SAM

SIR MANUEL

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with