^

Punto Mo

Mga dapat gawin kung napaso,nalapnos, o nabanlian

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NARITO ang mga dapat gawin kung napaso, nalapnos, o nabanlian:

Tiyaking ang sanhi ng burns ay natanggal na. Kung nagliyab ang suot na damit, ugaliing gawin ang tinatawag na S-D-R technique: Stop, Drop, and Roll. Basta’t huminto sa ginagawa, humiga sa sahig, at magpagulung-gulong. Huwag na huwag magpapanik at tatakbo dahil lalo lamang liliyab ang suot na damit kung mahahanginan. Kung natapunan naman ang suot na damit ng kemikal o kakukulong tubig, tanggalin agad ang damit dahil kung hindi, tuloy lamang ang pagkasira ng balat. Hugasan agad ang area ng malamig na tubig galing sa gripo.

Pagkatapos, tingnan kung gaano katindi ang nangyaring burns. Kung hindi simpleng pamumula lamang ng balat ang nakita, makabubuting dalhin agad ang pasyente sa ospital. Huwag magtatangkang maglagay ng toothpaste, butter, o yelo sa naturang burns. Lalo lamang maiimpeksyon ang sugat dahil hindi naman sterile ang mga nabanggit na home remedies.

Huwag ding tatangkaing butasin o putukin ang mga umalsang balat na may tubig. Mas lalong ibinibilad natin ang balat sa impeksyon kapag ginawa natin ito.

Paggamot sa tatlong uri ng burns:

1. Superficial Burns: palamigin ang area na na-burn sa pamamagitan ng pagtapat nito sa ilalim ng dumadaloy na tubig sa gripo sa loob ng 10-20 minuto. Balutan ng tela o benda. Sad­yang makirot ito sa loob ng ilang oras o araw. Kusang naghihilom ito. Huwag pahiran ng toothpaste, butter, o petroleum jelly.

2. Partial-Thickness Burns: palamigin agad ang area, itapat sa ilalim ng tubig sa gripo. Hugasan ang anumang dumi, kemikal, o bagay na nakakapit sa sugat. Maingat na patuyuin ng malambot at malinis na tela ang burns. Huwag puputukin ang mga namuong blisters (paltos) sa area. Kung mata ang tinamaan, hugasan itong maigi sa pamamagitan ng pagtapat sa shower.

3. Full-Thickness Burns (dala ito ng pagkababad sa apoy o kuryente; puwede itong ikamatay). I-tsek agad ang pulso kung humihinga pa. Balutin ng kumot ang bata, at itaas ang kanyang mga legs na mas mataas pa sa puso. Huwag painumin ng kahit ano. I-tsek kung may pagdurugo. Dalhin agad sa ospital upang masuweruhan.

AGAD

BALUTAN

BURNS

FULL-THICKNESS BURNS

HUGASAN

HUWAG

KUNG

PARTIAL-THICKNESS BURNS

SUPERFICIAL BURNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with